jump to navigation

Ang PARAISO NG ATING MGA NINUNO… winasak at ginawang IMPYERNO ng relihiyon October 31, 2009

Posted by bagongpananaw in Ang Aking Paglalakbay, Edukasyon.
Tags: , ,
8 comments

Ang ating regular na Kasaysayan ay walang saysay kung ang pagbabatayan ay ang mga aklat na ipinakabisa sa lahat ng mag-aaral sa mga paaralan sa Pilipinas. Naging napakabigat ng pag-aaral ng laksa-laksang pangalan, pangyayari, petsa, edad, (sino, kailan, ano, paano, saan, atbp.) na hindi  naman naipaliwanag kung bakit. Sadyang ang kaSAYSAYan ay nahubaran ng SAYSAY o halaga at tinulugan lamang ang pagmumulan sana ng isang PAGKAKAKILANLAN (identity).

Kapag tinanong mo ang isang Pilipino kung bakit siya naging Pilipino ay wala kang pinakamainam at pinakamalalim na makukuhang sagot liban sa “dito kasi ako ipinanganak sa Pilipinas; Pilipino ang magulang ko;…” Sundan mo ng isa pang katanungan, “Ano ang kahulugan ng Pilipino?”, at siguradong aani ka na ng kunot-noo.

Sa artikulong ito ay nais kong bigyang linaw ang NAPAKA-SAKLAP na resulta ng pagdating at pagtangkilik ng ating pamayanan (mula sa ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan), sa isang sistemang gumawang IMPYERNO sa atin sanang paraisong lupain. Malaking bahagi ng sistemang ito ang RELIHIYONG hanggang sa kasalukuyan ay ating tinatangkilik.

Bilang pagpapatuloy ng aking paglalahad sa relihiyon, “PAANO BA NABUO ANG BIBLIYA at sumulpot ang bagong relihiyong KRISTIAYANISMO”, ay unti-unti ko nang ikokonekta ito sa ating nabubulok nang pamayanan. BAKIT NGA BA? BAKIT NGA BA BAYANG NILAPASTANGAN, PINABAYAAN KANG LAPASTANGANIN?  May magagawa ba ang ating mga ninuno? May magagawa pa ba tayo?

I. ANG ATING TUNAY NA NAKALIPAS – Yaong may SaySay.

Alinsunod sa  wastong pag=gagap sa batas ng kalikasan kung saan ang mga bagay-bagay ay tumutugma sa dualismo ng positibo at negatibo, pagtaas at pagbaba, pag-angat at pagbukusok, atbp, ganoon din ang kasaysayan ng tao. May mga panahong nasumpungan niya (tao) ang pag-angat ng kaunlaran sa isang yugto na hindi maaring hindi sundan ng pagbulusok ng yugtong ito bilang pagbibigay daan sa susunod na yugto.

bahagdan

Ayon sa mga pag-aaral, ang pagsisimula ng tao bilang isang uri ay nagsimulang mag-evolve dalawa at kalahating milyong taon na ang nakalipas mula ng ipanganak si Kristo ( http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_the_world).  Tinawag itong bahagdan o yugto ng Primitibo Komunal. Ito din ang panahong ang mga sinaunang ninuno natin ay nakarating sa ating lupain. Hindi na ako magpapalalim pa sa pagtalakay dito… Naikwento na iyan ng ating mga titser…

SUBALIT ang mas higit ko sanang nais bigyang pansin, nakaligtaan yatang bigyang pansin ng aking mga guro, ay ang positibong kondisyon ng Primitibo Komunalismo, kung saan ay banyaga pa ang mga elemento ng pagsasamantala, wala pang paghihikahos, hindi pa estabilisado ang relihiyon, at ang iba pang maruruming salik ng sulong na uri ng lipunan. KUMBAGA ay payak, dalisay, at simple pa ang pamumuhay kahit na nga ba atrasado.

Sa aking pakiwari ay sobrang simple, payak, dalisay ang naging buhay ng ating mga ninuno kaya’t hindi nasumpungan ang madaliang pagpapaunlad sa kanilang buhay.  Ayon sa isang arkiyolohikal na tuklas ng Tabon  http://www.experiencefestival.com/a/History_of_the_Philippines_-_Prehistoric_Times/id/1476049)  na nagtatakda ng humugit-kumulang sa 30,500 taon na ang nakalipas. Ganoon na katagal… subalit walang pag-unlad na naipundar…

Analisahin natin ang sanhi ng ganitong tendensiya. Gamitan natin ng paghahalintulad. Kumpara sa ibang bahagi ng mundo, partikular sa Europa na naging batayan ng ating buhay at lipunan simula 1521, ay masasabi kong hindi kailangan ang dagliang pagpapaunlad o pagsulong sa ating mga kapuluan. ANG ATING KAPULUAN AY NAGSILBING PARAISO SA ATING MGA NINUNO.

Maging hanggang sa ngayon ay kakikitaan pa din natin ng Primitibo Komunal na senyales ang mga tinawag at tinatawag (sapagkat hindi tayo ang pumili o gumusto sa tawag na ito)  na Pilipino: Ang Sarap Buhay na paraan, wala na ngang trabaho pero pagdating ng hapon ay lasing pa, ang ugaling bahala na, ang superstisyon, ang umpukan sa kanto, at tsismisan sa harapan ng batya noon kahit saan na ngayon… at marami pang iba…

Hindi katulad sa Mesopotamia, sa India, sa Tsina, at sa mga ‘city-states’ ng Europa, kung saan ang mas mabalasik ang kalikasan maging ang mga naninirahan, kaya’t kinailangan nila ng mas mabilis at mas mabisang pamamaraan upang maka-agpang…. (necessity is the mother of all inventions).

MULA Primitibo komunal na pamumuhay papuntang Pyudal na bahagdan ay napairal nila. (http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_the_world) Samantalang sa ating lupain ay nanatili ang primitibo komunal… Hindi ka ba nagtataka kung bakit ganoon tayo ka-atrasado samantalang ang Kastila ng dumaong sila sa ating dalampasigan ay nakabaluti na at sakay ng higanteng sasakyang dagat?

Masaganang mga patubigan, gubat na hindi mabagsik, kaaya-ayang panahon (hindi rin gaanong mabagsik), halos walang hidwaang pamumuhay… ANO PA ANG IYONG MAHIHILING?   Isang tunay na paraiso.

SUBALIT…. lahat ng ito’y naglaho sa pagdating ng mga kanluraning PWERSA.

ANO ang tunay na dahilan at sinakop  tayo  at kinolonya ng mga Kastila? Bakit hinatdan nila tayo ng sandamukal na kaparusahan? Dahil ba sa ating “katamaran” (sa hinaba-haba ng panahon ay di tayo nagsipag magpa-unlad) ayon kay Miguel Lopez de Legazpi? Dahil ba sa tayo ay mga kampon ng demonyo dahil ang sinasamba ng ating mga ninuno ay diwata at lakas ng kalikasan? Dahil sa ang relihiyon nila ay ang siyang tama? ANO NA NGA BA?

Unang pinaslang ng Kanluraning Relihiyon ang bukal at natural sanang PAG-IMBENTO (pag-katha) natin ng sariling pundasyon ng sariling paniniwala. Mayroon na sana tayong diwata, Bathala, si Malakas at si Maganda, kapre, tiyanak, anito, Kabunian, atbp. Sa pamamagitan ng sapilitang pag-bibinyag sa ating mga ninuno ay naigupo ng mas malakas nilang pamamaraan ang NAWASAK NA NGANG PARAISO ng ating mga ninuno.

Bloodcompactmarker

***** Larawan ay mula sa Wikipedia

Ang ganda ng pagkatitik…. “… TRATADO NG PAGKAKAIBIGAN…”

Sa pamamagitan ng Relihiyong Katolisismo (Kristiyanismo) ay unti-unting naisakatuparan ng mga Kastila ang kanilang ultimong layunin sa Pilipinas: “Ang gawing ‘outpost’ o daungan lamang ang ating lupain sa mas malawak at malaki nilang ambisyon sa Tsina.”

Sinakop nila ang isip  ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng relihiyon pagkatapos ay INUTUSAN SILANG MAGTRABAHO upang busugin ang mga Among Kastila. Ang hindi susunod sa utos ng Kastila (ang bagong Diyos), ay ituturing na Kampon ng Demonyo o kaya ay taong labas, rebelde atbp.

Saan ka pa? Kung gusto mong mabuhay, kailangang sumunod ka…

Nagmistulang aliping walang dignidad ang ating mga ninuno. Ang masaklap pa dito ay tinanaw pang utang na loob ito sa Kastila sapagkat iniligtas sila nito sa TIYAK NA KAPAHAMAKAN SA IMPIYERNO…

NAPAKASAKLAP….. Kuya Eddie!!!

Mula encomienda, reducciones, bandala, polo, gwardiya sibil, prayle, Sta. Maria, rosaryo, Sto. Nino, novena, Kristo, mga salitang Latin, secula secolorum, dominus boviscum, galleon, obras pias, hacienda, intramuros, cabeza, gobernador, gobernadorcillo, corpus christi, fiesta, undas, pasko, at kung ano-ano pang litanya ng mga kababalaghang ni hindi naintindihan (ewan ko lang kung ngayon ay intindido na ito ng karamihan), ng ating mga ninuno subalit pikit-matang sinunod dahil sa “PAGMAMAHAL SA ABANG BUHAY”.

Simula 1521 (o yung ibang  ang paniniwala ay 1565 sa pagsakop na ni Muguel Lopez de Legaspi) hanggang sa kasalukuyan, mayroon ka na bang nakitang kahit banaag man lamang ng katotohanan sa mga pinag-gagagawa ng Pilipino… SAAN NGA BA TAYO DINADALA NG ATING KASALUKUYANG PANINIWALA?

KAILANGAN PA BANG MAMATAY (katulad ng pangako ng relihiyon) UPANG MARANASAN NATIN ANG IMPIYERNO….

HINDI PA BA IMPIYERNO ANG NARARANASAN NATIN SA BUHAY NA ITO?

***** susunod:  MORALIDAD NA WALANG RELIHIYON O DIYOS.  PWEDE KAYA?

PAANO NGA BA NABUO ANG BIBLIYA at sumulpot ang bagong relihiyong kung tawagin ay KRISTIYANISMO? October 29, 2009

Posted by bagongpananaw in Ang Aking Paglalakbay.
5 comments

pagpapatuloy…. Ang Kristiyanismo at si Kristo… Ano ang totoo?

Paano nga ba nabuo ang Bibliya? Sino ang bumuo nito? Ano ang tunay na dahilan ng pagtatatag ng isang bagong relihiyon?

Napakaraming katanungan na aking matiyagang sinaliksik sa pahina ng mga aklat at ng aking karanasan…

Balikan natin ang kasaysayan ni Kristo na tila yata kulang sa pagsasaad sa Bibliyang binuo ng Romano. Mukhang wala ang yugto ng pagbibinata ni Kristo hanggang sapitin niya ang gulang na 30 (wasto ba?) at nagsimula siyang mangaral… bakit mukhang naiiba sa mga aral ng Hudaismo (mula kay Abraham hanggang kay David na ang buod lamang ay ang wasto at walang gatol na pagsamba kay Yahweh).

Isa ko pang ipinagtaka ay ang paghahatid ng imahe ni Kristo na wala yatang naging ka-relasyon man lamang na tahasang paglabag sa itinakdang batas ng Hudaismo na sa wastong edad upang mag-asawa ay dapat mag-asawa. Si Kristo ay inabot ng 30 taong gulang na walang asawa?

Sa aking pagsasaliksik ay marami akong natuklasan at napagtanto sa tahasang pagtatanggal ng maraming mga pangyayari at mukhang pagpipinta sa kanya bilang isang diyos. Isa lamang sa aking natuklasan ang paglalakbay ni Kristo sa India at sa Tibet (http://reluctant-messenger.com/issa.htm) kung saan ay kasalukuyang umuusbong at namamayagpag ang relihiyong Hinduismo at Buddhismo.

issa-map

Kung lalagumin (kung maaari lamang naman at sa pagtataya ng taimtim na respeto) natin ang mga aral ng dalawang relihiyong ito ay matatalos natin ang napakagandang aral hinggil sa pagbabalik-loob (sarili) upang matuklasan ang kaliwanagan ng realidad, ng buong kalikasan. Dito itinuturo ang mga konsepto ng PAG-IBIG sa sarili at PAGMAMAHAL sa KAPWA bilang wastong daan sa pagbabalik at pagkapiling sa Maylika (Brahman).

“Most Hindus believe that the spirit or soul — the true “self” of every person, called the ātman — is eternal. According to the monistic/pantheistic theologies of Hinduism (such as Advaita Vedanta school), this Atman is ultimately indistinct from Brahman, the supreme spirit. Hence, these schools are called non-dualist. The goal of life, according to the Advaita school, is to realize that one’s ātman is identical to Brahman, the supreme soul. The Upanishads state that whoever becomes fully aware of the ātman as the innermost core of one’s own self realizes an identity with Brahman and thereby reaches moksha (liberation or freedom).

180px-Sivakempfort

**** eksakto kong hinago mula sa Wikipedia ang pagkakatitik..

Sa aking pakiwari ay ito ang makapag-papatunay sa pagiging magkaiba ng PANGARAL ni Kristo at ng mga KAUTUSAN ng Hudaismo. Sa edad na labing-tatlo (13) hanggang edad na dalawampu’t siyam (29) ay nag-aral at NAPAGLIWANAG (enlightened like a BUDDHA) si Kristo ng Hinduismo at Budhismo. Sa kanilang paniniwala na ang kaluluwa o ang tunay sa katauhan ng bawat isa ay walang kamatayan o eternal na tinawag nilang atman.  Ang Atman ay hindi kaiba sa Brahman (ang MayLikha) at pinakamataas na diyos (Diyos Ama, Hari ng mga Hari atbp.). Ang layunin ng buhay ang matuklasan na ang ATMAN (si Kristo o maging sinuman… ikaw at ako)  at ang BRAHMAN (ang MayLikha, Diyos Ama atbp.) Di ba’t sinabi ni Kristo na SIYA at ang AMA ay IISA… I AND THE FATHER ARE ONE.

issa

Tinagurian si Kristo bilang isang Buddha na may pangalang St. Issa. Taglay ang KALINAWAN (enlightenment) ng isip (sarili) bumalik si Kristo sa Jerusalem upang ipangaral ang bagong tuklas na KALUWALHATIAN… At dito na nag-umpugan ang magkaibang paniniwala ng Hudaismo at mga pangaral ni Kristo.

Ang aral ng Hudaismo ay ang pagpapailalim sa mga BATAS ng Diyos nila simula pa kay Abraham. Ang aral ni KRISTO ay PAG-IBIG at PAGPAPALAYA sa SARILI mula sa ilusyong dulot ng materyal na bagay. Pag-ibig hindi lamang sa sarili kundi pag-ibig sa Amang-Diyos (Brahman).

Kaya  nga ba’t mga Hudyo din ang nagpapatay sa kanilang Kristo, partikular ang mga Pari nila na sina, Hestas, Kaipas atbp.

Hindi si Ponsyo Pilato ang nagpapatay Kay Kristo, kundi ang mga katulad niyang Hudyo na naging kaiba ang paniniwala sa kanya. Romano lamang ang nagpataw ng kaparusahang kriminal, sapagkat ang pagka-akusa sa kanya ay ang krimen ng rebelyon na may katumbas na parusang kamatayan sa KRUS.

Ang KRUS ay simbolo ng kasamaan sa batas ROMANO… ngayon ito ay ginawang simbolo ng KABANALAN… ROMANO din ang may pakana.

Dahil sa kagila-gilalas na KALIWANAGAN na ipinangaral ni Kristo (isang banyagang kaisipan kung ituturing sa lugar na ang paniniwala ay Hudaismo at Griyego-Romano), natural lamang na dumagsa ang mga makikinig sa kanya na ng bandang huli (matapos na si Kristo ay mabitay) ay itinuring na rebelde at pinaghahanap, pinagpapatay, ipinatapon sa arena at ipinakain sa leon ng mga Romano sa panahon ng kanilang kapistahan.

Kaya nga ba’t iyong matutunghayan sa Bagong Tipan ng Bibliya ng Kristiyano na mas marami pa ang kwento hinggil sa mga alagad o tinatawag na disipulo ni Kristo keysa kay Kristo. Bilang mga patotoo wika nga.

NGAYON…. sa hinaba-haba ng aking salaysay… Paano nabuo ang BIBLIYA? at SINO ANG BUMUO NITO?

Tumuon naman tayo sa kalalagayan ng Imperyong Romano nitong mga panahon na ito. Nagsimulang bumagsak ang Imperyong Roma sa panahon Ni Emperor Nero. Bilang isang pisikal na imperyo ay natural lamang na dumaan ito sa pisikal na batas ng pagtaas at pagbaba. Bilang isang pangunahing imperyo ng panahong iyon ay kinailangang panatilihin nila ang kanilang pamamayagpag. Ito ang nag-udyok kay Emperor Constantine upang iuwi at gamitin ang bagong tuklas na kapangyarihang ispiritwal (na ibinatay nila sa ma-alamat na istorya ng isang Hudyo – si Kristo). Ipinakalap ni Konstantino ang lahat ng mga nasusulat hinggil sa Kristo at kanyang mga disipulo, pinag-aralan at bumuo ng isang batayang kasulatan, kasama ang misteryo, pag-aangkat mula sa ibang nakasanayang relihiyon ng Mitraismo, mga paniniwala mula sa Ehipto at kung saan-saan pa… tinawag nila itong BIBLIA. Ang unang tipan ay nakabatay sa kasaysayan ng Hudyo (Tanakh), at ang ikalawang Tipan ay tahasan nilang inimbento sa Koseho ng Nicaea (Council of Nicaea o Council of Nicene).

Dahil sa kanyang kontribusyong espiritual na siyang nagpatuloy hanggang ngayon sa Imperyong Romano bilang isang pwersa (noon ay pisikal na pwersa, at sa ngayon ay maging ISPIRITUAL na pwersa) ay pinangalanan si Konstantino na “CONSTANTINE THE GREAT”.

250px-Rome-Capitole-StatueConstantin

Hindi ka ba nagtataka kung bakit apat na disipulo o apostoles lamang ang nakasamang nailimbag sa Bagong Tipan ng Bibliya? Nasiyasat mo na ba ang kontrobersya hinggil kay Obispo Arius…?

Napakaraming bagay ang bumabalot sa hiwaga ng BIBLIYA na binigyang kalutasan sa NICAEA. Mula sa pagbobotohan kung gagawing Diyos o hindi si Kristo!!! … hanggang sa pagbuo ng isang Misteryo ng AMA, ANAK at ang bagong kathang ESPIRITU SANTO!!!… Inaamuki ko ngayon ang mambabasa na magsaliksik sa mga nasusulat hinggil sa Council of Nicaea at sa mga bagong lumalabas na “ebidensya” hinggil sa iba pang “gospel/s” na magpapatunay na IMBENTO LAMANG NG MGA ROMANO ANG BIBLIYA… para sa ikapagpapatuloy ng kanilang imperyo (pisikal at ispiritual).

Iminumungkahi ko ang “Gnostics Bible” (http://www.bible-history.com/isbe/G/GNOSTICISM/) , “Gospel of Mary Magdalene” (http://www.gnosis.org/library/marygosp.htm), “Gospel of Thomas” (http://en.wikipedia.org/wiki/Gospel_of_Thomas), at marami pang iba…

NGAYON NAMAN… Ang katanungang: “Paano at bakit nakarating sa ating dalampasigan ang banyagang relihiyong ito?”

Napakaraming relihiyon sa Asya na sa aking pananaw at pagsasaliksik ay mas masustansya (kung ispiritwal na sustansya rin lamang ang pagbabatayan), keysa sa Kristiyanismo… Bakit isang KANLURANING relihiyon pa ang naka-impluwensya (at umalipin — sa aking pakiwari) sa dukhang “PILIPINO”.

**** may pagpapatuloy….

Ang Kristiyanismo at si Kristo… Ano ang totoo? October 21, 2009

Posted by bagongpananaw in Ang Aking Paglalakbay.
6 comments

Sa hinaba-haba ng kasaysayan ng sangkatauhan, simula primitibo komunal na pamumuhay, hanggang sa kasalukuyan, ay iba’t-ibang relihiyon ang nagsulputan. Pinilit kong aralin ang karamihan sa mga relihiyong ito, at ang dahilan kung bakit Kristiyanismo ang namayagpag at kasalukuyang pinaniniwalaan ng Pilipino. Narito ang paglalahad ng aking natuklasan (hindi man ganoong kaeksakto, ay ang mambabasa na ang itinatayang magsaliksik).

Bago pa man natutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatayo ng mauunlad na sibilisasyon ay sumasamba na sila sa mga pwersa at elemento ng kalikasan. Natibismo ang tawag dito kung saan ay marami silang sinasamba, kaya’t polyteismo na ding maituturing (maraming diyos at diyoses). Sa mga sinaunang sibilisasyon sa Asya, Aprika, at Europa ay ganito ang umiral na pamamaraan ng pagsamba. Sa Ehipto ay pangunahin nilang diyos si Amen o Amun Ra.  Sapagkat bilad sila sa araw at disyerto kaya’t ang kanilang sinamba ay ang Haring Araw.

Amen Ra - God of Creation

Amen Ra - Diyos ng Paglikha ng Ehipto

Sa Europa kung saan nagsasaliksik na ang mga Pilosopo ng Gresya sa kung ano ang pangunahing elementong makapagpapaliwanag sa pinagmulan ng daigdig (Thales, Anaximander, Anaximenes atbp.) ay namayani ang Homeric at / o Hellenic na kaisipan hinggil sa mga diyos at diyosa ng iba’t-ibang elemento at planeta na kanilang natuklasan.

Parthenon - matatagpuan sa Acropolis, Gresya

Parthenon - matatagpuan sa Acropolis, Gresya

Sa Asya, Mesopotamia, ay kani-kaniyang imbento din ng diyos at diyosa ang mga tao. Si  Zarathustra ay isa sa mga pangunahing propeta ng dualismo ng relihiyon kung saan ay inimbento niya ang diyos ng kabutihan (Ahura Mazda) at ang katunggali nitong diyos ng kasamaan (Ahriman).

Ziggurat of Ur

Ziggurat of Ur

Mula sa dualismo (o tunggalian) ay lumutang at / o kumalas ang konsepto ni Abraham ng monoteismo (paniniwala sa iisang diyos). Ito ang ipinagkaiba ng Hudaismo sa mga naunang relihiyon. Sa isang panaginip ay inutisan daw si Abraham ng kaniyang diyos (Yahweh) na pangunahan ang mga Hudyo at pumaroon sa Ehipto. (Ang ibang detalye ay bahala na kayong maghalungkat.)

Ang punto ko lamang ay ilahad sa pinaka-maiksing paraan ang pag-unlad ng relihiyosong pananaw mula sa natibismo ng mga katutubo hanggang polyteismo, dualismo at monoteismo.  Samakatuwid baga ay tao ang may katha ng mga personalidad ng bawat relihiyon maging ang mga misteryo at konsepto nito. Taliwas sa nais ipaliwanag ng mga tagapag-pundar nito maging ng kanilang mga alagad, na ang tao ay ginawa ng mga diyos at diyoses at kailangan silang pagsilbihan at sambahin ng tao. Palagay ko naman ay malinaw ang lohikang aking natuklasan.

PAGPAPATULOY.

Sa pananatili ng mga Hudyo sa Ehipto ng mahabang panahon ay di maiiwasang ma-apektuhan sila ng mas higit na sulong na kultura at pamamaraan ng mga ito. Kaya nga ba’t sa panahon ni Moses kung saan ay tumakas sila mula Ehipto patungo ng Lupang Pangako sa kanila ay taglay na nila ang impluwensya ng ‘Golden Age of Egyptian civilization’. Ang halo ng mga santo, ang sombrero ng mga obispo, ang tungkod ng santo papa, atbp.

Mula sa Ehipto ay lumundag tayong saglit sa mga Romano sa Europa kung saan ay nagsisimula na silang manalakay ay manakop sa panahong tinatawag na Pyudalismo. Sinasabing walang sariling relihiyon ang mga Romano maliban sa namana nito sa mga Griyego. Nagpalit lamang ng mga pangalan ng kanilang polyteistang diyoses. Mula kay Zeus, na tinaguriang Hari ng iba’t-ibang diyos at diyosa ng Gresya patungo kay Jupiter na ganoon din ang katangian… Kaya nga ba’t hindi rin ako magtataka kung tawagin nila si Kristo na Hari ng mga Hari.

jupiter

Jupiter - King of the Gods (image taken from Wikipedia)

Sa pananalasa ng mga Romano ay hindi nakaiwas ang mga Hudyo, katulad din ng maliliit, maging ng malalaking tribo at kaharian noong panahon na iyon. Tinagurian ang kabuuan ng nasakop ng mga Romano na Roman Empire o Imperyong Romano.

Sapagkat hindi gaanong interesado ang Romano sa pag-pundar ng sariling relihiyon (ang kanilang pangunahing layunin ay sakupin ang mga kaharian sa pamamagitan ng pwersang pisikal),  nanatili at napaunlad ng mga Hudyo ang kanilang relihiyong monoteismo. Maraming kwento ang  naidagdag sa kanilang aklat na tinawag na Tanakh. Maraming propeta ang nagsulputan sa kanilang kasaysayan. Tunay na naging masustansya ang relihiyon nilang monoteismo kung ihahambing sa polyteismong relihiyon ng mga Romano na hinango lamang sa Griyego.

Torah - ang Bibliyang batayan ng mga Hudyo

Torah - ang Libro ng Aral o Batas

Sa ibang panig ng daigdig sa Gitnang Asya ay may mga pag-usad ding nagaganap hindi lamang sa larangan ng ekonomiya at pulitika kundi maging sa relihiyon. Sa India ay naipundar nila ang kaisipan at relihiyon na nakabatay sa paniniwalang mayroong espitiru ang buong mundo. Tinawag nila itong Hinduismo, kung saan si Brahman ang pangunahing diyos, ang Kaluluwa ng daigdig. Sa kanilang naitatag na paniniwala ayon sa paglalagom ng propetang si Valmiki, may pagkakataon ang tao na makamtan ang tunay na kaligayahan kung sasanib ang kanyang kaluluwa sa kaluluwa ng Brahman.

Ito ang unang paglaya ng tao sa malulupit na batas na ipinataw ng mga sinaunang diyos at diyosa ng iba’t-ibang relihiyon: “ANG PAGKAKATAONG MAKAPILING MULI ANG PANGUNAHING DIYOS — ANG TUNAY NA KALIGAYAHAN’”.  (Aking binigyang importansya ang pangungusap na ito dahil, nakita ko ang kaugnayan nito sa Kristiyanismong ipupundar ng mga Romano.)

Kung dati-rati ay puro pagsamba lamang ang pwedeng gawin ng tao, sa pamamagitan ng Hinduismo ay nagkaroon siya ng pagkakataong lumigaya sa piling ng pangunahing diyos — ang Brahman.

BALIK na tayo sa Europa, ehe sa Asya pala,  sa Herusalem kung saan ay isinilang na si Hesus – ang Kristo (pero kung susuriin natin eh bakit Europa ang naging sentro ng Kristtiyanismo, sa Roma, Italya).  Ito ay sa panahong nasasakop pa din ng Roma ang lupain ng Hudyo, ang Jerusalem.  Si Kristo ay isang Hudyo, at maraming kwento na ang nasulat at nadinig ng bawat Pilipino hinggil sa kanya.  Simula sa kagila-gilalas na pagbubuntis ni Maria na walang ama, ang pagtakas patungong Nazareth, ang pagsisilang kay Kristo, ang kanyang mga kagila-gilalas na ginawa (himala), ang pagtuturo, hanggang sa kalbaryo ng krus bilang isang kriminal.

Lahat ng ito ay ating mababasa sa Bibliya ng Kristiyanismo (kaiba sa Bibliya ng mga Hudyo). Subalit, paka-tandaan natin na si Kristo ay isang Hudyo, ang relihiyon niya ay Hudaismo kung saan ang batayang batas ay ang utos na ibinaba kay Moises mula sa bundok Sinai.

Bakit nga ba parang naiiba ang salaysay sa Bibliya ng Kristiano (may Lumang Tipan na nakabatay sa kasaysayan ng mga Hudyo, at may Bagong Tipan na tila yata kumalas na sa una at sumentro sa BUHAY NI KRISTO). Samantalang kung iyong susuriin ay nanatili ang mga Hudyo sa kanilang relihiyong Hudaismo at hindi tinangkilik ang Bagong Tipan ng sumulpot na relihiyong Kristiyanismo.

The Roman Catholic - Christian Bible

The Roman Catholic - Christian Bible

PAANO NGA BA NABUO ANG BIBLIYA at sumulpot ang bagong relihiyong kung tawagin ay KRISTIYANISMO?

(**** may pagpapatuloy…)

Ang Karugtong ng Panimula – Ikalawang Artikulo October 18, 2009

Posted by bagongpananaw in Ang Aking Paglalakbay.
Tags:
5 comments
KARUGTONG NG PANIMULA – IKALAWANG ARTIKULO – ANG LITANYA NG RELIHIYON
Sa ating bayan ay nakamulatan ko na ipinagmamalaki ang pagiging natatanging
Kristiyanong Bansa sa Asya. Para bagang napakahalagang ibando ito bilang batayan
yata ng pag-ani ng mas higit na grasya mula sa poong maykapal.
Subalit sa aking pagmamasid at pagbabalik tanaw sa bubot kong nakaraan ay hindi
ko mawari kung nasaan ang hatid na grasya ng pagiging natatanging Kristiyanong bansa sa Asya.
Tinuruan ako (at posibleng kayo din) na magdasal at umasa sa kasagutan, kasabay daw ng
pag-gawa, dahil… Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Simula’t sapul pa lamang ay
hindi ko na maunawaan ang kawastuan ng paghingi ng AWA… ano ba ang aking naging pagkakamali at
hihingi ako ng Awa pati na rin ng patawad… Paulit-ulit na paghingi ng (grasya) awa, kasama
pa ng paghingi ng tawad… NAKUPO!!!
Saan ko ba hahagilapin ang mga kasagutan upang magliwanag ang aking kaisipan. Nakagawian ko
na kasi na kung ano ang laman ng kaisipan, kung ano ang iniisip, ay siyang papatnubay sa kung
ano ang maaaring gawin. Isinubsob kong muli ang aking sarili sa mga aklat… Kinapos pa siguro
ang aking ipinaglagi sa biblioteca (dahil ang kabuuang oras ko dito ay nahati sa dalawa: pagbabasa at
ang di maiwasang pagtulog kapag nakalingat ang librarian.)
Panahon itong gradweyt (sa wakas) na ako ng kolehiyo at nagsisimulang mabigo sa paghahanap ng
katugmang trabaho ng kursong aking pinagtapusan. Akalain ko bang ang katumbas ng apat na taong
pagsusunog ko ng hindi lang kilay, kundi pati na rin halos lahat ng buhok sa katawan, ay ang
trabaho ng pagbebenta ng mga aklat (encyclopaedia) sa mga bahay ng mayayaman sa Forbes Park at
Urdaneta Village (at kailangan pa na naka-aslong aslib ka kuntodo kurbata… tapos hatak mo ang
‘trolley’ ng mga libro) HESUSMARYAHOSEP!!!
Tinakasan ko ang kagubatan (impyerno para sa akin) ng siudad at umuwi akong pupuwit-puwit
sa probinsya at sa kadismayahan ng aking magulang ay humiram ako ng isang ektarya ng lupang sinasaka
ng aking ama. Baon ang nabili kong libro (National Bookstore sa Recto… habang pauwi ako ay namataan
ko ang aklat ni Renato Constantino – A Past Revisited, na noon pa man ay nadirinig ko nang alternatibong
paglalahad daw ng kasaysayan) ay sinimulan kong bungkalin / araruhin simula madaling araw hanggang
alas-diyes ang lupang mabigat man siguro sa loob ay ipinahiram ng aking ama.
Sa loob ng dalawang anihan ay pinag-ulit-ulit kong namnamin ang sustansya ng bagong paglalahad
ni G. Constantino. At minsang nasumpungan kong bisitahin ang aking iniwanang mga kaibigan sa gubat
ng siudad ay muli akong dumaan sa National Bookstore sa Recto at binili ko ang suplementong
babasahing “The Mis-education of the Filipino” (kay Renato Constantino pa din sa tulong ng kaniyang
asawang si Letizia Constantino)… HINAYUPAK!!! Ganoon pala.
Naglinaw sa aking isipan ang ilan sa mga dahilan ng kahungkagan ng sistemang umiiral sa ating
bayan… Kaya pala noong umani ako ng halos isan-daang kaban ng palay ay  dalawampung kaban lang
ang natira sa akin… dahil iniawas ng aking ama ang bayad sa: patubig, punla, patanim, kurudo,
abono, pestisidyo, mang-gagapas, ‘thresher’… HESUSMARYAHOSEP ulit, wala nang natira. Kulang
pang pambayad sa mga nainom kong bilog at pinulutang sardinas sa pondahan ni Susan.
Matapos ang dalawang anihang nagbaon lang sa akin sa utang (hindi ko man lamang napabaunan
ng matamis na ala-ala ang may-ari ng pondahan), ay iniwanan ko ang kapatagan ng pambubusabos
ng sistemang ekonomikal at sinuong ko ang larangan ng pagtuturo (edukasyon). Sa aking pakiwari
ay marami akong dapat na isiwalat sa mga mag-aaral… mga bagay na hindi naisiwalat sa akin
ng aking mga guro. (Bakit nga ba???)
Maraming balakid ang dinaanan ko bago ako napagtiwalaang magturo. Kailangan daw may yunit
sa ‘education’ (at least 18 units… samantalang yung kakilala kong kamag-anak nung me ari ng
iskul n apinag-aplayan ko… kaga-gradweyt lang pinagturo na)… tapos me masteral din daw dapat.
Sige lang pinagtyagaan kong umupo sa silid-aralan ng mga titser na halos iisa ang sinasabi…
“Kailangang maging matiyaga ka sa pag-aaral… para mag-’succeed’ sa buhay”. HESUSMARYAHOSEP muli.
Nagsimula akong magturo, kaalinsabay ng aking paglahok sa malawakang pagmumulat noong dekada
otsenta. Ito ang panahon ng mga isyung ekonomikal, politikal at sosyal. Maraming bagay pa ang aking
natutuhan sa pakikisalamuha sa iba’t-ibang uri / sektor ng tao sa lipunan, mga bagay na hindi
ko natutuhan at nabuklat sa aklatan ng unibersidad. Lahat ng ito ay aking isiniwalat sa mga
mag-aaral, mula hayskul hanggang kolehiyo.
Napabagsak si G. Marcos nung dekada otsenta (na akala ng karamihan ay siyang ugat ng problema
at pagkabusabos ng Pilipino). Mula sa mga malawakang pagkilos ng mamamayan ay naagaw muli ng
mga nasa poder at amo nito ang momentum ng pagkamulat na sana ng taong-bayan. Kinapos kumbaga…
HESUSMARYAHOSEP!!! Ang galing ng bagong amo.

KARUGTONG NG PANIMULA – IKALAWANG ARTIKULO – ANG LITANYA NG RELIHIYON

Sa ating bayan ay nakamulatan ko na ipinagmamalaki ang pagiging natatanging Kristiyanong Bansa sa Asya. Para bagang napakahalagang ibando ito bilang batayan yata ng pag-ani ng mas higit na grasya mula sa poong maykapal.     Subalit sa aking pagmamasid at pagbabalik tanaw sa bubot kong nakaraan ay hindi ko mawari kung nasaan ang hatid na grasya ng pagiging natatanging Kristiyanong bansa sa Asya.

Tinuruan ako (at posibleng kayo din) na magdasal at umasa sa kasagutan, kasabay daw ng pag-gawa, dahil… Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Simula’t sapul pa lamang ay hindi ko na maunawaan ang kawastuan ng paghingi ng AWA… ano ba ang aking naging pagkakamali at hihingi ako ng Awa pati na rin ng patawad… Paulit-ulit na paghingi ng (grasya) awa, kasama pa ng paghingi ng tawad… NAKUPO!!!

Saan ko ba hahagilapin ang mga kasagutan upang magliwanag ang aking kaisipan. Nakagawian ko na kasi na kung ano ang laman ng kaisipan, kung ano ang iniisip, ay siyang papatnubay sa kung ano ang maaaring gawin. Isinubsob kong muli ang aking sarili sa mga aklat… Kinapos pa siguro ang aking ipinaglagi sa biblioteca (dahil ang kabuuang oras ko dito ay nahati sa dalawa: pagbabasa at ang di maiwasang pagtulog kapag nakalingat ang librarian.)

Panahon itong gradweyt (sa wakas) na ako ng kolehiyo at nagsisimulang mabigo sa paghahanap ng katugmang trabaho ng kursong aking pinagtapusan. Akalain ko bang ang katumbas ng apat na taong pagsusunog ko ng hindi lang kilay, kundi pati na rin halos lahat ng buhok sa katawan, ay ang trabaho ng pagbebenta ng mga aklat (encyclopaedia) sa mga bahay ng mayayaman sa Forbes Park at Urdaneta Village (at kailangan pa na naka-aslong aslib ka kuntodo kurbata… tapos hatak mo ang ‘trolley’ ng mga libro) HESUSMARYAHOSEP!!!

Tinakasan ko ang kagubatan (impyerno para sa akin) ng siudad at umuwi akong pupuwit-puwit sa probinsya at sa kadismayahan ng aking magulang ay humiram ako ng isang ektarya ng lupang sinasaka ng aking ama. Baon ang nabili kong libro (National Bookstore sa Recto… habang pauwi ako ay namataan ko ang aklat ni Renato Constantino – A Past Revisited, na noon pa man ay nadirinig ko nang alternatibong paglalahad daw ng kasaysayan) ay sinimulan kong bungkalin / araruhin simula madaling araw hanggang alas-diyes ang lupang mabigat man siguro sa loob ay ipinahiram ng aking ama.

Sa loob ng dalawang anihan ay pinag-ulit-ulit kong namnamin ang sustansya ng bagong paglalahad ni G. Constantino. At minsang nasumpungan kong bisitahin ang aking iniwanang mga kaibigan sa gubat ng siudad ay muli akong dumaan sa National Bookstore sa Recto at binili ko ang suplementong babasahing “The Mis-education of the Filipino” (kay Renato Constantino pa din sa tulong ng kaniyang asawang si Letizia Constantino)… HINAYUPAK!!! Ganoon pala.

Naglinaw sa aking isipan ang ilan sa mga dahilan ng kahungkagan ng sistemang umiiral sa ating bayan… Kaya pala noong umani ako ng halos isan-daang kaban ng palay ay  dalawampung kaban lang ang natira sa akin… dahil iniawas ng aking ama ang bayad sa: patubig, punla, patanim, kurudo,  abono, pestisidyo, mang-gagapas, ‘thresher’… HESUSMARYAHOSEP ulit, wala nang natira. Kulang pang pambayad sa mga nainom kong bilog at pinulutang sardinas sa pondahan ni Susan.

Matapos ang dalawang anihang nagbaon lang sa akin sa utang (hindi ko man lamang napabaunan ng matamis na ala-ala ang may-ari ng pondahan), ay iniwanan ko ang kapatagan ng pambubusabos ng sistemang ekonomikal at sinuong ko ang larangan ng pagtuturo (edukasyon). Sa aking pakiwari ay marami akong dapat na isiwalat sa mga mag-aaral… mga bagay na hindi naisiwalat sa akin ng aking mga guro. (Bakit nga ba???)

Maraming balakid ang dinaanan ko bago ako napagtiwalaang magturo. Kailangan daw may yunit  sa ‘education’ (at least 18 units… samantalang yung kakilala kong kamag-anak nung me ari ng iskul na pinag-aplayan ko… kaga-gradweyt lang pinagturo na)… tapos me masteral din daw dapat. Sige lang pinagtyagaan kong umupo sa silid-aralan ng mga titser na halos iisa ang sinasabi… “Kailangang maging matiyaga ka sa pag-aaral… para mag-’succeed’ sa buhay”.  HESUSMARYAHOSEP muli.

Nagsimula akong magturo, kaalinsabay ng aking paglahok sa malawakang pagmumulat noong dekada otsenta. Ito ang panahon ng mga isyung ekonomikal, politikal at sosyal. Maraming bagay pa ang aking natutuhan sa pakikisalamuha sa iba’t-ibang uri / sektor ng tao sa lipunan, mga bagay na hindi ko natutuhan at nabuklat sa aklatan ng unibersidad. Lahat ng ito ay aking isiniwalat sa mga mag-aaral, mula hayskul hanggang kolehiyo.

Napabagsak si G. Marcos nung dekada otsenta (na akala ng karamihan ay siyang ugat ng problema at pagkabusabos ng Pilipino). Mula sa mga malawakang pagkilos ng mamamayan ay naagaw muli ng mga nasa poder at amo nito ang momentum ng pagkamulat na sana ng taong-bayan. Kinapos kumbaga… HESUSMARYAHOSEP!!! Ang galing ng bagong amo.

Mukhang bitin pa ang aking mga natutuhan… mabisa na ang politikal, ekonomikal at sosyal na armas ng kilusang pagmumulat noong dekada otsenta subalit bakit bigo pa din itong mapansin ng sambayanang binubusabos…

Muli ay balik ako sa pagbabasa, subalit ngayon ay hindi na lang sa aklatan, kundi sa mas malawak na saklaw ng rebolusyonaryong teknolohiya ng kompyuter at internet…

Sablay ang pinakamahuhusay na idea sa politika, ekonomiya at sosyal na larangan. Isa na lang ang nalalabi upang paghalawan ko ng kasagutan. Bakit hindi tinangkilik ng Pilipino ang pagmumulat ekonomikal, politikal, sosyal??? BAKIT masyadong matigas ang tindig niya sa pag-aakalang natapos na kay G. Marcos ang problema niya gayong hayag na hayag naman ang kabaligtaran. BAKIT UMAASA PA NA MAY PAGBABAGONG BABABA MULA SA KALANGITAN…

TUMPAK… Himala mula sa kalangitan ang nakita kong senyales ng hilaw nilang pag-asa. Nananangan pa din ang Pinoy na hahanguin siya sa pagkabusabos ng kanyang TAIMTIM na pagdarasal ke MAMA MARY. HESUSMARYAHOSEP!!! eh hinaluan pa ng pagdaluyong ng iba’t-ibang sekta ng protestantismo. (**** May may mabusising pagtalakay sa pagdagsa ng Protestantismo sa Pilipinas at ang pagkabuhaghag ng Simbahang Katoliko ***)

Ibinaling ko ang aking pagsasaliksik sa Relihiyon… Bakit ba Kristiyanismo ang ating naging relihiyon samantalang Asyanong Bansa tayo? Galing daw sa Ksatila? Eh, bakit nakarating sa ating dalampasigan ang mga Kastila?  Dahil daw sa sili at pampalasa… sabi ng aking guro sa hayskul.  HESUSMARYAHOSEP???  kababaw.

Mungkahi ni G. Renato Constantino, kailangang siyasatin ang kondisyon ng mananakop gayundin ang sinakop o sinasakop. Ganoon ang aking ginawa… Pinaglakbay ko ang aking diwa at hinalungkat ang kasaysayan, hindi lamang ng Pilipinas (ang sinakop), kundi maging ng Espanya (ang mananakop). Sa aking PAGLALAKBAY pabalik, sa ating kasaysayan, ay natalos kong hindi hiwalay sa kaganapan ng buong mundo ang ating kasaysayan. Upang mas higit palang maging malinaw ang pagtanaw at pag-unawa  hindi lamang ng sariling ka-SAYSAY-an (kabuluhan / kahalagahan hindi lamang bilang Pilipino kundi bilang tao), kundi ng buong SANGKATAUHAN (humanity kung baga), kailangang intindihin ang kabuuan nito.

SIMULA sa UNA.

SABI NG RELIHIYON (partikular ang Kristiyanismo), ang tao daw ay ginawa sa wangis ng Diyos. Ito ang tinatanggap nilang katotohanan. Ito ang tinatanggap na katotohanan ng halos lahat na Pilipino. SINURI ko ang katotohanang ito batay sa linaw ng pagtutugma ng realidad at talas ng pag-analisa at pag-unawa ng isip. “Ang mga sinaunang tao na natuklasan at tinanggap bilang siyentipikong tuklas ay tinawag na primitibo: Java Man, Peking Man, Nanderthal Man, Cro-Magnon Man. Itinuring silang nomad o palaboy-laboy sa paghahanap ng kanilang pagkain… wala pang alam sa pagtatanim at paghahayupan..

Binalikan ko si Cain at Abel na marunong ng magtanim at mag-alaga ng hayop na ginagamit nilang pang-alay sa diyos nila… Naitanong ko, saan nila hinalaw ang kasanayan? Bigay ba ng diyos nila o isang umaga ay natuklasan na lamang nilang sanay na silang magtanim at mag-alaga ng hayop.

Sa mga pag-aaral ng mga arkiyologo ay naimungkahi nila ang paraan kung papaanong ang paniniwala ng sinaunang (primitibong) tao sa diyos ay bunsod lamang ng pagkatakot o pagka-mangha nila sa mga hindi pa nila maipaliwanag na pwersa ng kalikasan. Halimbawa ang pagsamba sa bulkan, dagundong ng kulog at talas ng kidlat, maging sa kabusilakan ng buwan at mapang-akit na lagaslas ng batis… Tinawag nila ito ng iba’t-ibang pangalan at sinimulang sambahin. Sa iba’t-ibang dako ng daigdig ay ganito ang tipikal na naganap. Ang tawag dito ng mga siyentipiko ay “nativism” o “naturalism”. Maging sa Pilipinas, ang sinaunang primitibong ninuno natin ay nagsisimula na sanang kumatha ng kanilang sari-sariling paniniwala: diwata, tikbalang, anito, tiyanak, kabunian, bathala, atbp.

Sa Mesopotamia ay iba’t-ibang relihiyon din ang sumulpot. Isa sa pinaka-tumanyag ang Zoroastrianismo na umimbento ng dualismo ng diyos ng masama at diyos ng mabuti… sina Ahura Mazda at Ahriman.

Sa Ehipto ay nagbuhat ang paniniwala sa Diyos ng Araw, sa Gresya ay namayagpag ang paniniwalang ‘Hellenic’ kungsaan ay maraming diyos at diyoses ang kanilang inimbento.

Maging ang Hudaismo (Judaism) na pinasimulan ni Abraham ay hinango din sa iba’t-ibang pagkatha ng mga diyoses sa Mesopotamia. Mula sa kapaligiran nitong ‘polytheists” o maraming diyos ang pinaniniwalaan, naging kakaiba ang paghubog nila ng kanilang paniniwala. Ang mga Hudyo, sa pamumuno ni Abraham ang kauna-unahang naniwala sa ISANG diyos. Hudaismo ang pinagsulputan ng kasalukuyang Kristiyanismo…

(**** susunod:  Ang KRISTIYANISMO at si KRISTO… Ano ang TOTOO?)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.