jump to navigation

MAGUINDANAO MASSACRE …. The Futility of Election in the Land of LORDS & KINGS, Queens & Ladies (A Fairy Tale) November 26, 2009

Posted by bagongpananaw in Pulitika.
Tags: , , , , , , ,
1 comment so far

Maguindanao Massacre... Nov. 2009 (Pre-Election Scenario)

WAKE-UP fellow humans living in this GOD-FORSAKEN (I told you there’s no god…. I did insist didn’t I…) primitively feudal land we call PHILIPPINES. What is transpiring in our midst is the Primitive Ways of the Lords and the Ladies of long time ago being piped-in right into our living room (and into our sub-conscious minds) by the high tech gadgets of the industrialized nations.

The WHIRLWIND DRAMA unfolding right before our eyes bespeak of the futility of election/s in this land of Kings & Queens, Lords & Ladies, Knights & Merchants, even of the Inquisition, and the hundreds of councils of Trents & Nicaea, trying to RE-INVENT FOR US reality (not through the BIBLE but through MASS MEDIA).
HUWAG NA PO KAYONG UMASA NA MERONG MAGAGANAP NA KATINUAN SA KAGAGANAP PA LAMANG NA DIGMAAN NG MGA HARI (o mga Naghahari at nais Maghari) SA MAGUINDANAO. BUMAKLAS NA PO KAYO SA KAISIPAN AT PAG-ASA NA ANG ELEKSYON SA ATING BAYAN (na kuno ay demokratiko subalit sa katotohanan ay pinaghalu-halong primitibo komunal, pyudal, at merkantil) AY MAGBIBIGAY NG MATINONG PAGBABAGO…
Nagririgudon na naman ang mga NAGHAHARING URI… at napapansin na naman nila ang taong bayan. Subalit kung tutuusin ay sa panahon lamang ng ELEKSYON tayo kailangan ng ating mga PANGINOON. Upang i-legitimize ang kanilang panluluko na para bagang DEMOKRATIKO nga ang ating proseso at pati ang pamamahala.
MAGING MALAKING HALIMBAWA NA SANA SA INYO ANG MGA KAGANAPAN NA ANG MGA NANGYAYARI AY NAGPAPATUNAY LAMANG NA EDAD PA DIN TAYO NG PYUDALISMO NA TALAGANG ANG PATAYAN AT UBUSAN NG LAHI ANG UMIIRAL SA ANTAS NG MGA NAGHAHARING-URI…
Hindi lamang po sa Maguindanao nangyayari ang ganito… sa ibang panig man ng bansa… iba-iba nga lamang po ang porma at pamamaraan ng kanilang digmaan…
ANG PINAKAMASAKLAP PO NITO AY PUMAPAGITNA PA ANG MASA…. nadadamay tuloy ang mga alipores lang…. tila baga mga maids & maidens o mga lady & ladies in waiting lang….
MUNGKAHI KO PO NA PABAYAAN NA LAMANG NATIN SILA…. UMIWAS NA LAMANG PO TAYO NA MALUKO PA NILA…. TALAGANG MAGPAPATAYAN ANG MGA IYAN… Katulad ng naganap sa Europa, sa Japan, sa Tsina at sa iba’t-ibang dynastiya at kaharian na may mga masyadong timawa sa kapangyarihan…
Natural na proseso po ito ng isang lipunang litong-lito kung anong yugto na ang kinasadlakan….

PARA PO SA TAONG BAYAN…. TULOY LANG ANG BUHAY….. UMIWAS SA UMPUGAN NG MGA LORDS AND KINGS…. UMIWAS SA ELEKSYON….

MORALIDAD NA WALANG RELIHIYON O DIYOS!!! Pwede kaya? November 5, 2009

Posted by bagongpananaw in Ang Aking Paglalakbay.
Tags: , , , , , , , , , ,
8 comments

NAPANSIN KO LANG… at sana ay mapansin mo din: “Ang buhay ng Pilipino ay parang dahon ng isang puno na kapag natuyo ay malalaglag na lamang at babalik sa lupa ng wala man lamang nakakapansin kundi ang walis tingting na hahawan sa kanya upang sunugin. Ipapanganak, magiging bata, binatilyo / dalagita,  magbibinata / magdadalaga,  magpapamilya, tatanda at mamamatay ng para bagang iginuhit na (bago pa man siya nabuhay) ang kanyang lalakbayin o yung tinatawag na tadhana sa buhay.  PAULIT-ULIT NA LANG… Puro ganoon, puro ganoon…. GANOON BA TALAGA ANG BUHAY NG PINOY??? Minsa’y aking naitanong sa sarili. At minsa’y hinagilap ko na din ang kasagutan… ITO ANG AKING PAGLALAKBAY… ITO ANG AKING MGA NATUKLASAN!!!

Simulan ko sa pagtatanong: “Ano ba talaga ang kahulugan ng BUHAY?”.

Sa wikang Ingles, “life”, “existence”…  NAISIP ko, bago ko sagutin ang katanungang ito, hindi ba mas dapat mauna ang katanungang: “Kaninong buhay?” Sa akin, sa iyo, sa inyo, sa palaka, atbp. Siempre, ang una kong dapat tanungin ay ang aking sarili…  BUHAY KO!!! Ano ba talaga ang kahulugan ng buhay ko?

Subalit, isang katanungan muli ang humahadlang bago tuluyang mabusisi ang katanungan ng buhay ko… Sapagkat ito ay pagbusisi ko sa buhay ko… matapat lamang na itanong ko na din kung SINO BA AKO?  Para bagang: “Sino ba ako, na naghahanap ng kasagutan kung ano ang ibig sabihin ng buhay (ko)?”

Ang katanungan kayang ito ay pwedeng sagutin para sa akin ng iba? Sa aking palagay ay hinde. Katanungan itong AKO lamang ang makasasagot para sa sarili ko.

Dito ko sinimulan ang aking PAGLALAKBAY…. (ang daming katanungan ano!!!)

SINO BA AKO?  SINO KA BA?  SINO BA TAYO?  Ang mga kasagutan na aking natuklasan ang aking gagawing batayan ng isang MORALIDAD na hindi relihiyon o paniniwala sa Diyos ang pundasyon. Walang gagamiting ibang pundasyon kundi ang malinaw at busilak na pagkaka-unawa sa SARILI.

Marami-rami na ang mga konsepto at pagpapaliwanag hinggil sa katanungan ko sa itaas. Tinawag nila tayong (ako kasama ka) TAO, may katawan at kaluluwa. Nilalang ng isang kapangyarihan na tinawag na diyos.  Walang ibang misyon sa buhay kundi ang magsilbi at sumamba sa hindi maipaliwanag na kapangyarihan ng diyos…

Sa iba’t-ibang relihiyon ay halos ganoon din, pinagkaiba-iba lamang ang mga katawagan at pamamaraan. Para bagang ginawang taga-sunod lamang ang tao… walang pagkakataon na pumaimbulog sa kalawakan ng kalikasan. Walang karapatang kumwestiyon sa nakagisnan. Basta ihabilin o ipagkatiwala sa PANANAMPALATAYA (faith).

Dito ako bumaklas. Bakit hindi pwedeng magtanong o kwestiyunin ang nakagisnan? Baka naman pwedeng siyasatin man lang!!! At ito ang aking unang ginawa…. Itinuon ko ang aking sarili sa pagtuklas kung ano ang ibig nilang sabihin ng KALULUWA…

KUNG AKO AY ISANG TAONG MAY KATAWAN AT KALULUWA… paano ko matitiyak na mayroon nga. Ang katawan ko ay tiyak…. subalit ang kaluluwa ay hindi…  Napakarami nang pagpapaliwanag hinggil dito noon pang nasa kolehiyo ako subalit walang supisyenteng o malinaw na paliwanag, puro mga haka-haka at palagay lamang na sa kalaunan ay mauuwi na naman sa PANANAMPALATAYA.

Sa pilosopiya noong nasa kolehiyo pa ako ay may isang pamamaraan kaming ginagamit upang magsiyasat ng sarili. Ang tawag dito sa Ingles ay “introspection”. Isang kapasidad ng isip na ituon ang kakayahan upang isipin ang sarili. Para bagang isipin mo ang sarili mong isip…  (he he he… puro isip, puro isip…)

Ito ang aking ginamit sa aking pagsisiyasat. Tutal ay ang sisiyasatin ko ay kung sino ako… eh di ba mas marapat na ang gamitin ay sariling isip….

SORPRESA NG MGA SORPRESA… Tinanong ko ang sarili ko kung sino siya… Alam mo ba kung ano ang naging sagot… SA SIMULA AY SAMU’T-SARI… talagang nakakalito… pero pinagtiyagaan ko… sarili ko naman ito… walang ibang magtitiyaga kundi ako….  KALAUNAN  SA GITNA NG AKING KALITUHAN ay unti-unting naglinaw ang SIMPLENG KASAGUTAN… HINDI NAKAKALITO… PAYAK NA PAYAK NA KASAGUTAN…

AKO NA GUMAGAMIT NG SARILING ISIP UPANG SAGUTIN ANG KATANUNGAN  KUNG SINO AKO AY WALANG IBA KUNDI —-> ISANG ISIP NA NAG-IISIP…

Binalikan ko ang aking natutuhan sa kolehiyo… kay Rene Descartes, isang pilosopong Pranse…. mukhang tumutugma dun sa sinabi niyang:  ”COGITO ERGO SUM”  na ang ibig sabihin sa Ingles ay “I Think therefore I am”.  NAG-IISIP AKO (o ako ay nakapag-iisip) kaya AKO AY AKO  (nandito – existent).

Isa itong napakalaking hakbang palayo sa nakagisnang tradisyunal na kaisipan.  SA KATANUNGAN kung sino ako… MALAYA ko ngayong nasasagot, hindi ako isang katawan at kaluluwa kundi isang NANDIRITO (existent) NA NAG-IISIP (thinking)… Sa wikang Ingles pa din  ”THINKING BEING”.

Walang ibang kailangang ipaliwanag…  walang ibang pwedeng magdikta kung ano ang kahulugan… Ikaw mismo sa sarili mo ang tatalos kung ano ang magiging kasagutan mo… Nasa iyo na yun kung dadayain mo ang sarili mo o magiging tapat ka at TOTOO SA SARILI MO….   Sapagkat ito ang magiging batayan (MO) ng moralidad mo…

**** Ito ay unang pagsasa-titik pa lamang ng aking BATAYANG PANANAW… Maaari pa itong mapaunlad sa dako pa roon… may mga pagkikinis pang gagawin at pagpapaliwanag na isasakatuparan……    MAY PAGPAPATULOY….

F. Kiamko

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.