jump to navigation

Ang dilema ng Edukasyong Filipino, Pilipino o Flipino December 1, 2008

Posted by bagongpananaw in Edukasyon.
trackback

Graduation na naman. Kumpletuhan na naman ng mga ‘requirements’ para makaraos sa pag-aaral, para makamit ang pinakamimithing diploma, para makahanap ng trabaho, para kumita na, para makatulong na sa pamilya, para… para… para… Talaga namang ‘excited’ na ang mga estudyante, maging ang mga magulang sa ‘fiesta’ ng graduation. Elementary, High School at College ay pare-pareho, na para bagang tunay na may maaasahan ka pa sa edukasyong Filipino… (Filipino nga ba o Pilipino? paki-wasto nga!!!)

Pero teka nga muna… tutal edukasyon ang ating tinatalakay sa artikulong ito, di ba ginagamit dito ay utak, pala-aral at mapag-analisang utak… Bakit kaya di natin subukang gamitin nga ang ating mga utak at ituon ito sa pag-aanalisa kung tunay na may maaasahan pa tayo sa Edukasyong FLIPINO (hindi ako na-‘wrong’ ispeling ha!!!). Gamitin mo lang ang utak mo at obserbahan kung totoo ang mga tatalakayin ko dito ha!!!
         Sige, simulan na natin… Unang-una, pansinin mo dito sa ating kinukurakot na bansa, halos lahat ng tao basta tumuntong ng anim o pitong taong gulang (nauuso na din nga ng husto ang nursery, kinder at prep.) siguradong ipapasok na sa eskuwelahan. Madalang ang mga batang hindi nag-aaral sa ganitong edad. Daan-libong mag-aaral ang pumipila sa palistahan ng mga eskuwelahan maging pribado man o pampubliko. Mag-aaral sila ng anim na taon, tapos ay aambisyuning makatuntong at makatapos din ng kahit high school man lamang. Bale ba ay sampung taon na ang kanilang dapat na ibuno. Ngayon, pagdating sa kolehiyo ay ibang usapan na. 
Sa kolehiyo kasi ay mas mabigat na. Kahit kasi may mga natawag na ‘state colleges and universities” ay masyadong mataas daw ang antas ng kalidad nila kaya dapat ay mataas din ang marka o grade ng mag-aaral dito. Di pwede ang aral baon lamang na estudyante. Eh iyong ibang kolehiyo at unibersidad naman ay pagka-mamahal ang matrikula na kung isasama mo ang pang-araw-araw na gagastusin ay aabot ng daan-libo bago makapagpatapos ang isang magulang na iginagapang lamang (kahit hindi ahas o bulate man lang kaya!!!) ang kanilang mga anak.
         Kaya nga ba’t pagdating sa kolehiyo ay kalahati na lamang sa orihinal na mag-aaral na pumasok noon sa elementarya ang nakapagpapatuloy. (Nasusundan mo pa ba ang linya ng aking argumento?)
          Subalit magka-gayon pa man ay talaga namang daan-libo pa din ang pumapayok na mag-aral sa kolehiyo. Ngayon, heto na ang masaklap, sa dinami-dami ng mga mag-aaral na ito at maging ng mga Kolehiyo at Unibersidad na bawat isa ay umaangkin sa karangalan bilang pinaka-mahusay daw na eskuwelahan, bakit kahit na pinaka-simpleng problema ng bansa ay hindi malutas. Simpleng problema na lamang ang aking itatapat o itatanong sa mga ito (mga iskolar daw o maging mga dalubhasa daw na mga propesor nila), iyon bang problema sa basura!!! Sa hinaba-haba ng panahon ng pag-aaral ng mga tinamanang-kulog na ito ay hindi naituro at nakasanayan (di na ba ito ang isa sa mga mithiin daw ng edukasyon???) na maging malinis man lamang???
     Pagka-gagaling ng mga tinamanang-lintek na propesor, kesyo nag-aral pa sa abroad o kung saan man ng Masteral at Doctoral degree nila… Hanep din naman isinabit lang pala sa dingding ang diploma at kinalimutan na yata kung mayroon man, ang edukasyon kunong natamo nila…

          Simpleng problema pa lang ang nabanggit ko sa itaas, paano pa kaya kung itanong natin sa kanila ang problema mismo ng sektor nila… Ang mga estudyanteng tinuruan daw nila ng kung anu-ano, hindi kaya nila tinuruan kung papaano mabawi ang pinuhunang pera at pagod sa pamamagitan ng kasiguraduhan ng pagta-trabaho sa kani-kaniyang larangang pinag-aralan. Halimbawa kung ‘engineering’ ang tinapos ay makapag-trabaho bilang isang engineer at hindi taga-benta ng insurance o avon beauty products kaya.
        Hindi kaya nai-isip ng napakarurunong na mga TITSER at PROFESSORS na ito na bale wala ang kanilang karunungan (kung karunungan ngang matatawag) kung turo lang sila ng turo pero ang tinuruan nila ay hindi man lamang makapag-trabaho dito sa bansa kung saan sila nagsipag-aral (estudyante) at nagsipag-turo (marurunong na Titser at Professors). Anong klase kayang pormula o teoryang kinalkal sa mga libro ng iba’t-ibang ekspertong banyaga ang makasasagot sa simpleng katanungan kong ito?

         Pagkadami-daming utak ang gumagana ngayon sa pagkadami-daming eskuwelahan, kolehiyo at unibersidad… Pakisuyo naman na bigyan ng kasagutan ang katanungang ito….  Kung walang makakasagot dito ng konkreto ay ano pa kaya ang say-say ng ating tinatawag na edukasyon, ang pagka-haba-habang proseso ng pagsusunog ng kilay at kung anu-anong buhok sa katawan, at ang pag-uubos ng pera ng mga mahihirap na taong-bayan na umaasang sa pag-papa-aral sa kanilang mga anak ay makasusumpong ng kaginhawahan at maia-ahon sa kumunoy ng kawalang pag-asa sa buhay ng mga alamang…. HAY NAKU… medyo mahaba-haba na ang litanyang ito ng isang simpleng problema lamang…. ANO NA KAYA ANG MANGYARI KAY FLIPINO, TULUYAN NA KAYA SIYANG MA-FLIP..
          ITO AY ISANG HAMON (hindi iyong natitikman lamang na makain, swertihan lang kapag pasko ng mga mananampalataya) PARA SA LAHAT NG NAG-AARAL, NAGTUTURO, NAGMAMARUNONG, MGA DEAN, MGA PROFESSORS, MGA ISKOLAR, MAGING SA MGA ISTAMBAY SA KANTO (magka-minsan ay mas sensitibo ay makabuluhan pa ang kanilang sentido-kumon). PAG-ISIPAN NATIN ITO!!!

***** Ito ay isang isinumiteng artikulo sa sibolsoft ni
BETONG AKTIBISTA – Noon at Ngayon

Comments»

1. jim - March 15, 2009

magandang araw sa iyo fransisko.
May mga ilang katanungan din sana ako na gustong itanong sa iyo:

una – trabaho ba ng isang guro na bigyan ng trabaho ang mga estudyante niya? hindi sa isinasantabi ko na hindi na dapat isipin ng titser ang kinabukasan ng mga mag-aaral niya, pero hindi kaya may MAS marami pang bagay o factor ang nakaka apekto sa isang taong hindi makahanap ng trabaho? wag sana natin isisi agad sa guro kung bakit hindi makahanap o mahirap makahanap ng trabaho ang isang tao.

pangalawa – tingin mo ba ay hindi ganoon ka importante ang mga teyorya, konsepto, o kung ano pa mang kaisipang itinuturo sa mga paaralan ngayon? kung gayon, ano dapat ang dapat ituro sa mga bata?

pangatlo – lahat ba ng problema sa lipunan, maliit o malaki, ay dapat isisi sa titser? ang ibig kong sabihin, tulad ng punto ko sa unang tanong ko, maraming factor kung bakit tayo nakakaranas ng ganitong mga bagay. huwag mong sabihing pati Global Warming ay isinisisi mo rin sa mga guro dahil hindi nila naituro ang wastong paggamit ng enerhiya? Ang Global Economic Crisis ay isisisi mo rin ba sa mga guro dahil hindi nila tinuruan ang mga ekonomista ng tamang paraan para maiwasan ito?

2. indian - July 5, 2009

magandang araw fransisko.

hindi kaya mas maganda kung sisimulan natin ang pag-aaral sa pagbalaik doon sa basic?

diba dapat mas itanong natin kung ano ba ang takbo ng sistema ng istruktura ng isang lipunan? para makita natin ang dereksyon ng ekonomiya kung kanino sya tumutugon? kung sino ang mga nasa ivory tower na nagddecide kung ano ang dapat mna maging dereksyjon ng edukasyon.

gayun din naman na balikan natin kung ano ba ang tungkulin ng isang guro halimbawa sa loob ng isang unibersidad lalo na sa kasalukuyan. ano ba amng programa ng ating gobyerno? ano ba anbg tinatawag natin na rationalization sa edukasyon?

3. salisay - November 5, 2009

sa inyo po g. fransisko kiamko:
tunay pong napakahalaga ng tungkulin ng isang guro sa ating lipunan, magulo man, mahirap man o maunlad ito. Siya kasi ang humuhubog sa mga kabataang sinasabing pag-asa ng bayan. Kaya kung ano man ang kanyang itinuro o naituro sa mga ito yun ang nagaganap sa ting bansa ngayon.
kaya lang po, sa tingin ko kahit sino pang pinakamagaling at may magandang hangarin sa lipunan natin bulok na ang sistema natin,e. natatapakan ang mga taong may malinis na hangarin lalo na kung siya ay nag-iisa. halimbawa na lamang po, ituturo ng guro sa paaralan ang tamang pagtatapon ng basura kung paglabas naman po ng mga mag-aaral ay nakikita nila sa kanilang paligid ang mga taong walang habas kung magtapon ng basura. di po ba sinasabing ginagawawa ng bata ang nakikita sa matatanda? Ipagpalagay po natin na nakaapekto ang guro sa bata, pero iba naman ang kanyang nakikita na ginagawa ng nakakatanda? Di po kaya dapat iyong mga matatanda (kung may pinagtandaan man) ang turuan?

bagongpananaw - November 5, 2009

Wasto ka diyan Bb. Salisay, tunay na para sa akin ay napakahalaga ng EDUKASYON, at kaakibat nito ang tungkulin ng isang guro. At Tunay ding bulok na nga ang sistema sa ating bayan. Sinabi kong napakahalaga ng edukasyon sapagkat ito ang uukit sa mga ugali ng mamamayan, partikular ang kabataan, ng isang pamayanan, isang lipunan, isang bayan. Kapag napabayaan ang edukasyon, ay katulad ng isang prutas na nabilad sa araw at hindi inani, ito ay mabubulok at hindi pakikinabangan. Ganyan ang edukasyon sa Pilipinas, bulok at hindi mo makita ang malinaw na resulta o magandang pagpapahalaga na naidudulot nito sa mga mag-aaral. Saan ka nga makakikita sa buong mundo na isang bansang halos lahat ng mga kabataan ay nag-aaral subalit simpleng problema ng plastik at basura ay hindi maresolba o masolusyonan.
Sa sinasabi mo na para bagang walang saysay ang pagtuturo ng isang titser (ito ang aking gagamitin sapagkat kapag sinabi mong guro ito ay nangangahulugan sa akin na isang maestro o makasanayan sa kanyang gawain), ay tunay iha. Sa Pilipinas ay tunay na walang saysay ang pagtuturo. BAKIT???? Sapagkat ang pagtuturo ay isa lamang bahagi ng Edukasyon, hindi ito ang kabuuan ng edukasyon. HIndi sapat ang pagtuturo, ang kailangan ang isa-pamumuhay o isa-buhay ng isang titser ang kanyang itinuturo. Sa wikang Ingles… “Teaching by example…”. Kung makikita ng isang mag-aaral na ang itinuturo ng titser ay kanyang ginagawa ay mas higit na maniniwala ang bata. “Teaching is values formation”. Walang magiging saysay ang pagtalak ng titser maghapon sa loob ng silid-aralan kung paglabas niya dito kasama ng kanyang mag-aaral ay hindi niya gagawin ang kanyang itinuturo… Tunay na madadaig ng bulok na sistema sa labas ng silid aralan ang retorikang pagtatalak ng titser… Sayang lang….
Kung tunay na naka-apekto sa isang bata ang magagandang turo at konkretong halimbawa ng titser ay siya mismo ang magtutuwid sa sarili niya at hindi gagayahin ang makikita sa labas ng silid-aralan… bagkus ay itatama niya ito mabigyan lamang ng pagkakataon.
Ikaw ang tatanungin ko Bb. Salisay… sa iyong halimbawa… basura… Ano ang turing mo sa isang basura, kinamumuhian mo ba ito, sapat upang bigyan ng pansin na pulutin man lamang… o hindi ka apektado nito kaya’t hindi mo man lamang mapansin?
Kung tunay ang iyong itinuturo, ito dapat ang magiging gabay mo sa pang-araw-araw mong gawain.

***** ITURING NATING HALIMBAWA ANG AKING NATUTUHAN AT EDUKASYONG AKING TAGLAY…
Tunay na ito ay kakaiba sa inyong mga nakagisnan. Ito ang kasalukuyang gabay ko sa pang-araw-araw kong gawain. Ito ang aktwal kong ginagawa. Ito ang aking pinagpapahalagahan. Kahit ano pa ang makita kong kamalian sa aking kapaligiran ay hindi ako naaapektuhan sa paraang ito ay aking gagayahin, bagkus ay kinamumuhian ko at kung may pagkakataon ay nais na itama o iwasto ang mga kamaliang aking nakikita. Sa basura… ultimo maliit na plastik na nakaipit sa mga upuan ng mga mag-aaral ay aking kinamumuhian, kaya’t kapag ako ay nakakakita nito ay aking pinupulot at itinatapon sa basurahan…
GANITO DAPAT LUMALIM ANG PAGTANAW SA EDUKASYON… hindi iyong pagtuturo lamang… kundi yaong pagsasa-buhay ng mga mahahalagang gawain… AKTWAL NA GAWAIN NG TITSER (GURO).
Ano ang GINAGAWA MO SA PANG-ARAW-ARAW…. kung makabuluhan, ito ang iyong ituro, ito ang edukasyon… PAGHUBOG NG MAKABULUHANG MGA GAWAIN… NG TAO.

4. salisay - November 6, 2009

Sasagutin ko po ang inyong katanungan tungkol sa basura, ako po ay galit sa basura, sa dumi o sa kalat. Hindi po ako makagawa nang mayroong mga kalat o basura sa paligid ko. Sa akin po kasi, mas nakapag-iisip ako ng maayos kung malinis at walang kalat ang aking paligid.Madali po akong mairita pag makalat.
Bukas na po ang aking isipan sa lahat ng kabuktutang nagaganap sa ating lipunan. Hindi lang po basura ang kinamumuhian ko. marami pa po akong tanong na hinahanapan ko pa ng kasagutan. para akong sumasagot sa isang word puzzle na magkaka-kawing kawing ang bawat titik ng pahalang at pababa para mabuo ang isang salita.

5. Fransisko Kiamko - November 6, 2009

Mainam naman kung magkagayon… Panimula na ang pagkakaroon ng isang bukas na isipan… kasunod na dito ang pag-aanalisa sa mga kabuluhan ng bawat hakbang na gagawin upang makabuo ng balangkas ng isang pag-uugali na pagbubuhatan ng ISANG MAKAHULUGANG KASANAYAN na tinatawag na EDUKASYON.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: