jump to navigation

Ang Panimula December 1, 2008

Posted by bagongpananaw in Ang Aking Paglalakbay.
trackback

     Huwag ka sanang mabibigla sa mga isisiwalat ko dito sa Bagong Pananaw. Kung hindi naman makaka-abala sa iyo ng husto, at matiyaga kang magbasa ng istorya ng may istorya, ay pumalaot ka na kasama ko…

     Isinilang ako sa isang maliit na bayan ng San Rafael sa isang ordinaryong pamilya na kabilang sa iyong matatawag na ‘lower middle class’. Parehong kawani ng pamahalaan ang aking magulang. Ang lola ko sa bahagi ng aking ina ay isang BIsaya na tumakas sa Cebu ng siya ay dalagita pa lamang at sumuong sa buhay ng isang katulong sa Luzon ay nagka-anak (ang nanay ko nga). Ang lolo at lola ko sa bahagi ng aking ama ay mga magsasaka na lumaki sa gitna ng kalupitan ng init ng araw at sundalo ng Hapon at pamahalaan. Ang aking kabataan ay inubos namin ng aking mga kalaro sa (paraiso ng kabataan noon) gitnang bukid, patubig, at tumana kung saan hitik sa bunga ang mga punong-kahoy at pananim ng hindi naman mararamot na mag-gugulay.

     Nagtapos ako ng elementarya sa paaralan ng mga ‘Religious of the Virgin Mary’, dalawang taon sa mga ‘Paulinian SIsters’ sa high school, at sa Dominican Fathers ng Unibersidad ng Santo Tomas. Subalit sa gitna ng relihiyosong kapaligiran na aking nilakhan: pag-oorasyon sa tuwing ika-anim ng gabi; mga litanya ng dasal na paulit-ulit na sinasambit tuwing magsisimula at matatapos ang klase; prusisyon doon at dito; mga padasal at seremonya kabi-kabila; mga pagkabisa sa mga buhay ng pagkarami-raming mga santo at santa; mga pagsasalita at pangangaral ng mga pari (na siya naming kaulayaw sa unibersidad) hinggil sa pagkakapantay-pantay daw ng lahat sa mata ng diyos; atbp, atbp… ay hindi ko NAKITA ang katotohanan o realismo sa paligid. Mga pagka-gagandang konsepto ng LOVE, PEACE, EQUALITY… na para bagang sa teksto mo lamang maiintindihan pero kapag dumilat ka na sa tunay na nagaganap sa buhay ay parang mga bulang nagsi-putok at naglaho. (Mainam pa nga ang mga bulang palobo namin noong kabataan na dinidikdikan ng bulaklak o kaya ay ubod ng gumamela, medyo matagal bago pumutok.)

     Ito ang nagtulak sa akin upang magsulat ng ganito dito sa ‘blog-site’ na ito. Baka sakaling may tumutugma sa aking BAGONG PANANAW, upang may maka-ugnayan, baka sakaling makabuo ng PANIBAGONG DIREKSYON at makahulagpos sa hindi matapos-tapos na katarantaduhan at paikot-ikot na kabugukan sa lipunang Pilipino.  Mahaba-haba ang aking mga iku-kwento…

… subaybayan (sana)

Comments»

1. emanzky88 - May 13, 2009

mabuhay ka G.Fransisko Kiamko!

patuloy lang sa paglalakbay!

2. tomagulto - November 6, 2009

sasasabay po ako sa paglalakbay, kanya-kanyang landas para mag-enjoy sa buhay…

tomagulto

3. Fransisko Kiamko - November 6, 2009

Malugod pong tinatanggap ang pagsabay ninyo G. Tom AGulto… at tunay pong dapat na ma-enjoy ang buhay…

4. brokenform - November 7, 2009

malaman po at malalim ang inyong mga mensahe. baka next week ko pa po maipagpatuloy ang pagbabasa… overtym po kase ako ngaun lagi.

magiging suki din po ako ng inyong blog mula ngaun…

bagongpananaw - November 7, 2009

ok.. lamang iyon ginoo… salamat sa paghahayag mo ng interes….

isko ng bagongpananaw

5. kaloy - December 11, 2009

sa nangyayari ba ngayun saating bansa pwede ba na magsawalang bahala na lang tayo dahil labanan ito ng mga naguumpugang bato primitibo feudal ba talagang matatawag o kapitalismo na nag aanyong merkantil,, hindi lamang ang pangyayari sa maguindanao ang dapat eh ang pangkalahatang nangyayari sa bayan,, aminin man natin o hindi mahirap na hindi ka tubuan ng pakielam…

6. bagongpananaw - December 11, 2009

Sa mga nagaganap ngayon sa ating bansa, para sa akin, ang pinakamahusay at epektibong magagawa natin ay mas mabusisi pang mag-analisa. Hindi naman sa ipagwawalang bahala kundi busisiin ng husto ang puno’t dulo ng mga pangyayari…

Kung makikialam man tayo, direkta man o hindi, ay sa paanong paraan at ano ang magiging kahihinatnan. Sobrang dami na ng mga sumasakay sa isyu. Bawat isa ay HUSTISYA daw ang panawagan… pero subaybayan mo at mga ilang buwan lamang at matatakpan na ng panibagong isyu ang mga pangyayaring ito. Maigting ang mga protesta at panawagan ngayon ng kung ano-ano. Nilahukan pa ng pagtatakip ng gobyerno sa kanilang pangunahing alipores… ang mga Ampatuan. Sa takot nilang mabulgar ang mga anomalya nila sa Maguindanao noong nakaraang eleksyon ay nagdeklara ang palasyo ng Martial Law upang kuno ay pababawin ang kaso.

Pinagkakaguluhan ngayon ng mga masiba sa media mileage ang isyu sa Senado at Kongreso… ganon lang naman si Penoy… maiksi ang memorya… madaling libangin…

Hinggil naman sa nangyayari sa bansa… makialam man tayo sa mga ginagawa nila… eleksyon, ondoy, masaker, atbp., atbp., ANO ANG MAGAGAWA NATIN… AT ANO ANG EPEKTO NITO SA KANILA…

Sa aking pananaw ay mas higit pa nga nila tayong maaapektuhan… dahil patuloy pa tayong maniniwala na mayroon pang magaganap na PAGBABAGO, batay sa kanilang mga pangako at pamomostura na tila baga sila ang TUNAY NA PAG-ASA NG BAYAN…

WALANG PINAKA-MABISANG GAWIN kung hindi ang ipagwalang-bahala ang mga ito (hindi ibig sabihin ay hindi man lang pansinin). Pansinin hanggang sa lebel ng pag-aanalisa… AT patuloy na umiwas sa mga pangil ng mga HALIMAW…..

Si Isko pa din

7. pangil sa bayan ng buwaya - January 21, 2010

ANG BAYAN SA GITNANG SILANGAN
The Middle East activist
Paano ako napadpad sa gitnang silangan?
PINOY AKO HINDI GAGO

Simpleng pangarap lang ang nais ko SUBALIT paano magiging simple ang pangarap na gusto ko kung, hindi MAGIGING kasing simple ng iniisip ko (GISING NA KAIBIGAN) sa takbo ng pamamalakad ng gobyero.(WALA KABANG NAPAPANSIN SA IYONG MGA KAPALIGIRAN) media man, serbisyo publiko, o negosyante. (KAYDUMI NA NG HANGIN PATI NA ILOG NATIN) tiyak ko sa bawat minutong nauubos sa iyung orasan ay katumbas ng mga minutong unti unti TAYONG PINAPATAYat nilalamon ng sistema na sumasangkatawan sa buong pilipinas na nagiging dahilan ng baluktot na Paniniwala ng karamihan. (HINDI NMAN MASAMA ANG PAG UNLAD KUNG DI NAKAKASIRA NG KALIKASAN)

GEYERA, TERORISTA, PAGBAHA, LINDON, INIT, KAWALAN NG TUBIG,KAWALAN NG TRABAHO ito ba ang kasing simple ng iniisip ko? Kagagawan ba ng tao o ng hayop? Ito ay LIKHA sa pangil ng mga buwayang laman at isip ang PERA. masmaganda pang manuod ng batibot ang may aral kang mapupulot.

(IWASAN NATIN AT WAG NGSIRAIN PA SAPAGKAT PAGKANYANG BINAWI TAYOY MAWAWALA NA).

kabayan gumising ka wag mo ng hintaying sampalin pa kita

Excuse MY FRENCH di ko na kayang mag MURa ng Syet…

8. bagongpananaw - January 21, 2010

Para kay PANGIL SA BAYAN NG BUWAYA,

Ramdam ko ang ngit ngit mo dito sa iyong sinumiteng komentaryo… Pero hindi ko maintindihan ang iyong simpleng pangarap na mukhang nilusaw ng mga sinasabi mong pinapatay at nilalamon ng sistema na sumasangkatawan sa buong pilipinas na nagiging dahilan ng baluktot na Paniniwala ng karamihan…..
Tunay na mabigat ang sitwasyon NINYO diyan sa Gitnang Silangan (malayo sa pamilya, nasa banyagang lupain, kahit na nga ba sabihing mas maganda ang trabaho ninyo pero sa totoo lang alipin din kayo ng makinarya ng kapitalismo partikular ng Amerika at Europa, atbp, atbp…) at tunay din na napakabigat ng kaharap NAMIN dito sa lupaing ayon na nga sa iyo ay halos sumpain na at mala-impyerno na ang sitwasyon….
Subalit ito nga ginoong PANGIL (pina-iksi ko na lamang… kundi mo iakagagalit), ang mismong sitwasyong nais bigyang linaw nitong BLOG SITE na ito…. Ang bumusisi at bumungkal ng mga kasagutan at humanap ng mga kalinawan sa gitna ng kalupitan ng ating kinagisnang paniniwala at sistema. Gamit ang talas ng ISIP at ang makabago at rebolusyonaryong teknolohiyang ito ay makipag-ugnayan at makipagtalastasan sa sinumang PINOY (at hindi GAGO, sabi mo nga pero kailangang patunayan natin ito), nandito man sa bansa o sa ibang lupain upang bumuo at lumikha ng isang BAGONG PANANAW na magpapalaya sa atin mula sa mapang-aliping kaisipan ng relihiyon at sistemang gumapos sa atin ng daan-daang taon na hanggang sa kasalukuyan….

Dito sa iyong linyang….”(IWASAN NATIN AT WAG NGSIRAIN PA SAPAGKAT PAGKANYANG BINAWI TAYOY MAWAWALA NA).”…. napuna ko lamang at nais kong busisiin ang ibig mong ipakahulugan ng PAGKANYANG BINAWI TAYO’Y MAWAWALA NA…
SINO ANG BABAWI??? At kung tayo ay mawawala, saan tayo mapupunta???

Marami pong salamat!!!
si isko pa din ng BagongPananaw


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: