jump to navigation

Ang Karugtong ng Panimula – Ikalawang Artikulo October 18, 2009

Posted by bagongpananaw in Ang Aking Paglalakbay.
Tags:
trackback
KARUGTONG NG PANIMULA – IKALAWANG ARTIKULO – ANG LITANYA NG RELIHIYON
Sa ating bayan ay nakamulatan ko na ipinagmamalaki ang pagiging natatanging
Kristiyanong Bansa sa Asya. Para bagang napakahalagang ibando ito bilang batayan
yata ng pag-ani ng mas higit na grasya mula sa poong maykapal.
Subalit sa aking pagmamasid at pagbabalik tanaw sa bubot kong nakaraan ay hindi
ko mawari kung nasaan ang hatid na grasya ng pagiging natatanging Kristiyanong bansa sa Asya.
Tinuruan ako (at posibleng kayo din) na magdasal at umasa sa kasagutan, kasabay daw ng
pag-gawa, dahil… Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Simula’t sapul pa lamang ay
hindi ko na maunawaan ang kawastuan ng paghingi ng AWA… ano ba ang aking naging pagkakamali at
hihingi ako ng Awa pati na rin ng patawad… Paulit-ulit na paghingi ng (grasya) awa, kasama
pa ng paghingi ng tawad… NAKUPO!!!
Saan ko ba hahagilapin ang mga kasagutan upang magliwanag ang aking kaisipan. Nakagawian ko
na kasi na kung ano ang laman ng kaisipan, kung ano ang iniisip, ay siyang papatnubay sa kung
ano ang maaaring gawin. Isinubsob kong muli ang aking sarili sa mga aklat… Kinapos pa siguro
ang aking ipinaglagi sa biblioteca (dahil ang kabuuang oras ko dito ay nahati sa dalawa: pagbabasa at
ang di maiwasang pagtulog kapag nakalingat ang librarian.)
Panahon itong gradweyt (sa wakas) na ako ng kolehiyo at nagsisimulang mabigo sa paghahanap ng
katugmang trabaho ng kursong aking pinagtapusan. Akalain ko bang ang katumbas ng apat na taong
pagsusunog ko ng hindi lang kilay, kundi pati na rin halos lahat ng buhok sa katawan, ay ang
trabaho ng pagbebenta ng mga aklat (encyclopaedia) sa mga bahay ng mayayaman sa Forbes Park at
Urdaneta Village (at kailangan pa na naka-aslong aslib ka kuntodo kurbata… tapos hatak mo ang
‘trolley’ ng mga libro) HESUSMARYAHOSEP!!!
Tinakasan ko ang kagubatan (impyerno para sa akin) ng siudad at umuwi akong pupuwit-puwit
sa probinsya at sa kadismayahan ng aking magulang ay humiram ako ng isang ektarya ng lupang sinasaka
ng aking ama. Baon ang nabili kong libro (National Bookstore sa Recto… habang pauwi ako ay namataan
ko ang aklat ni Renato Constantino – A Past Revisited, na noon pa man ay nadirinig ko nang alternatibong
paglalahad daw ng kasaysayan) ay sinimulan kong bungkalin / araruhin simula madaling araw hanggang
alas-diyes ang lupang mabigat man siguro sa loob ay ipinahiram ng aking ama.
Sa loob ng dalawang anihan ay pinag-ulit-ulit kong namnamin ang sustansya ng bagong paglalahad
ni G. Constantino. At minsang nasumpungan kong bisitahin ang aking iniwanang mga kaibigan sa gubat
ng siudad ay muli akong dumaan sa National Bookstore sa Recto at binili ko ang suplementong
babasahing “The Mis-education of the Filipino” (kay Renato Constantino pa din sa tulong ng kaniyang
asawang si Letizia Constantino)… HINAYUPAK!!! Ganoon pala.
Naglinaw sa aking isipan ang ilan sa mga dahilan ng kahungkagan ng sistemang umiiral sa ating
bayan… Kaya pala noong umani ako ng halos isan-daang kaban ng palay ay  dalawampung kaban lang
ang natira sa akin… dahil iniawas ng aking ama ang bayad sa: patubig, punla, patanim, kurudo,
abono, pestisidyo, mang-gagapas, ‘thresher’… HESUSMARYAHOSEP ulit, wala nang natira. Kulang
pang pambayad sa mga nainom kong bilog at pinulutang sardinas sa pondahan ni Susan.
Matapos ang dalawang anihang nagbaon lang sa akin sa utang (hindi ko man lamang napabaunan
ng matamis na ala-ala ang may-ari ng pondahan), ay iniwanan ko ang kapatagan ng pambubusabos
ng sistemang ekonomikal at sinuong ko ang larangan ng pagtuturo (edukasyon). Sa aking pakiwari
ay marami akong dapat na isiwalat sa mga mag-aaral… mga bagay na hindi naisiwalat sa akin
ng aking mga guro. (Bakit nga ba???)
Maraming balakid ang dinaanan ko bago ako napagtiwalaang magturo. Kailangan daw may yunit
sa ‘education’ (at least 18 units… samantalang yung kakilala kong kamag-anak nung me ari ng
iskul n apinag-aplayan ko… kaga-gradweyt lang pinagturo na)… tapos me masteral din daw dapat.
Sige lang pinagtyagaan kong umupo sa silid-aralan ng mga titser na halos iisa ang sinasabi…
“Kailangang maging matiyaga ka sa pag-aaral… para mag-’succeed’ sa buhay”. HESUSMARYAHOSEP muli.
Nagsimula akong magturo, kaalinsabay ng aking paglahok sa malawakang pagmumulat noong dekada
otsenta. Ito ang panahon ng mga isyung ekonomikal, politikal at sosyal. Maraming bagay pa ang aking
natutuhan sa pakikisalamuha sa iba’t-ibang uri / sektor ng tao sa lipunan, mga bagay na hindi
ko natutuhan at nabuklat sa aklatan ng unibersidad. Lahat ng ito ay aking isiniwalat sa mga
mag-aaral, mula hayskul hanggang kolehiyo.
Napabagsak si G. Marcos nung dekada otsenta (na akala ng karamihan ay siyang ugat ng problema
at pagkabusabos ng Pilipino). Mula sa mga malawakang pagkilos ng mamamayan ay naagaw muli ng
mga nasa poder at amo nito ang momentum ng pagkamulat na sana ng taong-bayan. Kinapos kumbaga…
HESUSMARYAHOSEP!!! Ang galing ng bagong amo.

KARUGTONG NG PANIMULA – IKALAWANG ARTIKULO – ANG LITANYA NG RELIHIYON

Sa ating bayan ay nakamulatan ko na ipinagmamalaki ang pagiging natatanging Kristiyanong Bansa sa Asya. Para bagang napakahalagang ibando ito bilang batayan yata ng pag-ani ng mas higit na grasya mula sa poong maykapal.     Subalit sa aking pagmamasid at pagbabalik tanaw sa bubot kong nakaraan ay hindi ko mawari kung nasaan ang hatid na grasya ng pagiging natatanging Kristiyanong bansa sa Asya.

Tinuruan ako (at posibleng kayo din) na magdasal at umasa sa kasagutan, kasabay daw ng pag-gawa, dahil… Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Simula’t sapul pa lamang ay hindi ko na maunawaan ang kawastuan ng paghingi ng AWA… ano ba ang aking naging pagkakamali at hihingi ako ng Awa pati na rin ng patawad… Paulit-ulit na paghingi ng (grasya) awa, kasama pa ng paghingi ng tawad… NAKUPO!!!

Saan ko ba hahagilapin ang mga kasagutan upang magliwanag ang aking kaisipan. Nakagawian ko na kasi na kung ano ang laman ng kaisipan, kung ano ang iniisip, ay siyang papatnubay sa kung ano ang maaaring gawin. Isinubsob kong muli ang aking sarili sa mga aklat… Kinapos pa siguro ang aking ipinaglagi sa biblioteca (dahil ang kabuuang oras ko dito ay nahati sa dalawa: pagbabasa at ang di maiwasang pagtulog kapag nakalingat ang librarian.)

Panahon itong gradweyt (sa wakas) na ako ng kolehiyo at nagsisimulang mabigo sa paghahanap ng katugmang trabaho ng kursong aking pinagtapusan. Akalain ko bang ang katumbas ng apat na taong pagsusunog ko ng hindi lang kilay, kundi pati na rin halos lahat ng buhok sa katawan, ay ang trabaho ng pagbebenta ng mga aklat (encyclopaedia) sa mga bahay ng mayayaman sa Forbes Park at Urdaneta Village (at kailangan pa na naka-aslong aslib ka kuntodo kurbata… tapos hatak mo ang ‘trolley’ ng mga libro) HESUSMARYAHOSEP!!!

Tinakasan ko ang kagubatan (impyerno para sa akin) ng siudad at umuwi akong pupuwit-puwit sa probinsya at sa kadismayahan ng aking magulang ay humiram ako ng isang ektarya ng lupang sinasaka ng aking ama. Baon ang nabili kong libro (National Bookstore sa Recto… habang pauwi ako ay namataan ko ang aklat ni Renato Constantino – A Past Revisited, na noon pa man ay nadirinig ko nang alternatibong paglalahad daw ng kasaysayan) ay sinimulan kong bungkalin / araruhin simula madaling araw hanggang alas-diyes ang lupang mabigat man siguro sa loob ay ipinahiram ng aking ama.

Sa loob ng dalawang anihan ay pinag-ulit-ulit kong namnamin ang sustansya ng bagong paglalahad ni G. Constantino. At minsang nasumpungan kong bisitahin ang aking iniwanang mga kaibigan sa gubat ng siudad ay muli akong dumaan sa National Bookstore sa Recto at binili ko ang suplementong babasahing “The Mis-education of the Filipino” (kay Renato Constantino pa din sa tulong ng kaniyang asawang si Letizia Constantino)… HINAYUPAK!!! Ganoon pala.

Naglinaw sa aking isipan ang ilan sa mga dahilan ng kahungkagan ng sistemang umiiral sa ating bayan… Kaya pala noong umani ako ng halos isan-daang kaban ng palay ay  dalawampung kaban lang ang natira sa akin… dahil iniawas ng aking ama ang bayad sa: patubig, punla, patanim, kurudo,  abono, pestisidyo, mang-gagapas, ‘thresher’… HESUSMARYAHOSEP ulit, wala nang natira. Kulang pang pambayad sa mga nainom kong bilog at pinulutang sardinas sa pondahan ni Susan.

Matapos ang dalawang anihang nagbaon lang sa akin sa utang (hindi ko man lamang napabaunan ng matamis na ala-ala ang may-ari ng pondahan), ay iniwanan ko ang kapatagan ng pambubusabos ng sistemang ekonomikal at sinuong ko ang larangan ng pagtuturo (edukasyon). Sa aking pakiwari ay marami akong dapat na isiwalat sa mga mag-aaral… mga bagay na hindi naisiwalat sa akin ng aking mga guro. (Bakit nga ba???)

Maraming balakid ang dinaanan ko bago ako napagtiwalaang magturo. Kailangan daw may yunit  sa ‘education’ (at least 18 units… samantalang yung kakilala kong kamag-anak nung me ari ng iskul na pinag-aplayan ko… kaga-gradweyt lang pinagturo na)… tapos me masteral din daw dapat. Sige lang pinagtyagaan kong umupo sa silid-aralan ng mga titser na halos iisa ang sinasabi… “Kailangang maging matiyaga ka sa pag-aaral… para mag-’succeed’ sa buhay”.  HESUSMARYAHOSEP muli.

Nagsimula akong magturo, kaalinsabay ng aking paglahok sa malawakang pagmumulat noong dekada otsenta. Ito ang panahon ng mga isyung ekonomikal, politikal at sosyal. Maraming bagay pa ang aking natutuhan sa pakikisalamuha sa iba’t-ibang uri / sektor ng tao sa lipunan, mga bagay na hindi ko natutuhan at nabuklat sa aklatan ng unibersidad. Lahat ng ito ay aking isiniwalat sa mga mag-aaral, mula hayskul hanggang kolehiyo.

Napabagsak si G. Marcos nung dekada otsenta (na akala ng karamihan ay siyang ugat ng problema at pagkabusabos ng Pilipino). Mula sa mga malawakang pagkilos ng mamamayan ay naagaw muli ng mga nasa poder at amo nito ang momentum ng pagkamulat na sana ng taong-bayan. Kinapos kumbaga… HESUSMARYAHOSEP!!! Ang galing ng bagong amo.

Mukhang bitin pa ang aking mga natutuhan… mabisa na ang politikal, ekonomikal at sosyal na armas ng kilusang pagmumulat noong dekada otsenta subalit bakit bigo pa din itong mapansin ng sambayanang binubusabos…

Muli ay balik ako sa pagbabasa, subalit ngayon ay hindi na lang sa aklatan, kundi sa mas malawak na saklaw ng rebolusyonaryong teknolohiya ng kompyuter at internet…

Sablay ang pinakamahuhusay na idea sa politika, ekonomiya at sosyal na larangan. Isa na lang ang nalalabi upang paghalawan ko ng kasagutan. Bakit hindi tinangkilik ng Pilipino ang pagmumulat ekonomikal, politikal, sosyal??? BAKIT masyadong matigas ang tindig niya sa pag-aakalang natapos na kay G. Marcos ang problema niya gayong hayag na hayag naman ang kabaligtaran. BAKIT UMAASA PA NA MAY PAGBABAGONG BABABA MULA SA KALANGITAN…

TUMPAK… Himala mula sa kalangitan ang nakita kong senyales ng hilaw nilang pag-asa. Nananangan pa din ang Pinoy na hahanguin siya sa pagkabusabos ng kanyang TAIMTIM na pagdarasal ke MAMA MARY. HESUSMARYAHOSEP!!! eh hinaluan pa ng pagdaluyong ng iba’t-ibang sekta ng protestantismo. (**** May may mabusising pagtalakay sa pagdagsa ng Protestantismo sa Pilipinas at ang pagkabuhaghag ng Simbahang Katoliko ***)

Ibinaling ko ang aking pagsasaliksik sa Relihiyon… Bakit ba Kristiyanismo ang ating naging relihiyon samantalang Asyanong Bansa tayo? Galing daw sa Ksatila? Eh, bakit nakarating sa ating dalampasigan ang mga Kastila?  Dahil daw sa sili at pampalasa… sabi ng aking guro sa hayskul.  HESUSMARYAHOSEP???  kababaw.

Mungkahi ni G. Renato Constantino, kailangang siyasatin ang kondisyon ng mananakop gayundin ang sinakop o sinasakop. Ganoon ang aking ginawa… Pinaglakbay ko ang aking diwa at hinalungkat ang kasaysayan, hindi lamang ng Pilipinas (ang sinakop), kundi maging ng Espanya (ang mananakop). Sa aking PAGLALAKBAY pabalik, sa ating kasaysayan, ay natalos kong hindi hiwalay sa kaganapan ng buong mundo ang ating kasaysayan. Upang mas higit palang maging malinaw ang pagtanaw at pag-unawa  hindi lamang ng sariling ka-SAYSAY-an (kabuluhan / kahalagahan hindi lamang bilang Pilipino kundi bilang tao), kundi ng buong SANGKATAUHAN (humanity kung baga), kailangang intindihin ang kabuuan nito.

SIMULA sa UNA.

SABI NG RELIHIYON (partikular ang Kristiyanismo), ang tao daw ay ginawa sa wangis ng Diyos. Ito ang tinatanggap nilang katotohanan. Ito ang tinatanggap na katotohanan ng halos lahat na Pilipino. SINURI ko ang katotohanang ito batay sa linaw ng pagtutugma ng realidad at talas ng pag-analisa at pag-unawa ng isip. “Ang mga sinaunang tao na natuklasan at tinanggap bilang siyentipikong tuklas ay tinawag na primitibo: Java Man, Peking Man, Nanderthal Man, Cro-Magnon Man. Itinuring silang nomad o palaboy-laboy sa paghahanap ng kanilang pagkain… wala pang alam sa pagtatanim at paghahayupan..

Binalikan ko si Cain at Abel na marunong ng magtanim at mag-alaga ng hayop na ginagamit nilang pang-alay sa diyos nila… Naitanong ko, saan nila hinalaw ang kasanayan? Bigay ba ng diyos nila o isang umaga ay natuklasan na lamang nilang sanay na silang magtanim at mag-alaga ng hayop.

Sa mga pag-aaral ng mga arkiyologo ay naimungkahi nila ang paraan kung papaanong ang paniniwala ng sinaunang (primitibong) tao sa diyos ay bunsod lamang ng pagkatakot o pagka-mangha nila sa mga hindi pa nila maipaliwanag na pwersa ng kalikasan. Halimbawa ang pagsamba sa bulkan, dagundong ng kulog at talas ng kidlat, maging sa kabusilakan ng buwan at mapang-akit na lagaslas ng batis… Tinawag nila ito ng iba’t-ibang pangalan at sinimulang sambahin. Sa iba’t-ibang dako ng daigdig ay ganito ang tipikal na naganap. Ang tawag dito ng mga siyentipiko ay “nativism” o “naturalism”. Maging sa Pilipinas, ang sinaunang primitibong ninuno natin ay nagsisimula na sanang kumatha ng kanilang sari-sariling paniniwala: diwata, tikbalang, anito, tiyanak, kabunian, bathala, atbp.

Sa Mesopotamia ay iba’t-ibang relihiyon din ang sumulpot. Isa sa pinaka-tumanyag ang Zoroastrianismo na umimbento ng dualismo ng diyos ng masama at diyos ng mabuti… sina Ahura Mazda at Ahriman.

Sa Ehipto ay nagbuhat ang paniniwala sa Diyos ng Araw, sa Gresya ay namayagpag ang paniniwalang ‘Hellenic’ kungsaan ay maraming diyos at diyoses ang kanilang inimbento.

Maging ang Hudaismo (Judaism) na pinasimulan ni Abraham ay hinango din sa iba’t-ibang pagkatha ng mga diyoses sa Mesopotamia. Mula sa kapaligiran nitong ‘polytheists” o maraming diyos ang pinaniniwalaan, naging kakaiba ang paghubog nila ng kanilang paniniwala. Ang mga Hudyo, sa pamumuno ni Abraham ang kauna-unahang naniwala sa ISANG diyos. Hudaismo ang pinagsulputan ng kasalukuyang Kristiyanismo…

(**** susunod:  Ang KRISTIYANISMO at si KRISTO… Ano ang TOTOO?)

About these ads

Comments»

1. salisay - November 2, 2009

ngayon nakahanap na ako ng taong makasasagot sa aking mga tanong, dahil noong ako’y nag-aaral pa mula elementarya at hanggang kolehiyo, lumaki akong madasalin at may takot sa diyos, pero tintanong ko ang sarili ko at mga magulang ko ano ba ang saysay ng pagdarasal ko sa diyos(?) at bakit kailangang matakot tayo sa diyos, e hindi ba’t ang diyos na sinasamba ay mabuti? Naitanong ko na rin ito sa aking propesor sa kolehiyo na ngunit isa man sa kanila ay di ko nasumpungan ang kasagutan bagkus ako ay kinagalitan.
sa ngayon mahirap pang baguhin ang ating lipunan lalo kung ang karamihan sa atin ay patuloy na itinatali ang sarili sa mga nakaraan at ayaw buksan ang isipan sa katotohanan, pero hangga’t may taong ang hangad ay kaliwangan at katotohanan,(katulad nyo) walang imposible.

bagongpananaw - November 2, 2009

para sa iyo salisay,

At para din sa mga makakatalisod ng blog-site na ito… ang pagtatanong ang panimula ng paghahanap ng kaliwanagan. Subalit huwag sana n’yong isipin na lahat ng kasagutan ay nasa akin… marapat siguro na maging kayo man ay magsuri at simulang maghanap ng KALIWANAGAN (katulad ng BUDDHA at ni KRISTO) upang lumago ang tunay na kapayapaan sa mundo.

Hihiramin ko ang mga titik sa kanta ni John Lennon:

Imagine there’s no Heaven
It’s easy if you try
No hell below us
Above us only sky
Imagine all the people
Living for today

Imagine there’s no countries
It isn’t hard to do
Nothing to kill or die for
And no religion too
Imagine all the people
Living life in peace

You may say that I’m a dreamer
But I’m not the only one
I hope someday you’ll join us
And the world will be as one

Imagine no possessions
I wonder if you can
No need for greed or hunger
A brotherhood of man
Imagine all the people
Sharing all the world

You may say that I’m a dreamer
But I’m not the only one
I hope someday you’ll join us
And the world will live as one

High School pa lamang ako ay tumalab na saakin ito…

SALAMAT PO!!!!

2. salisay - November 2, 2009

yun talaga ang dapat, kailangang suriin natin at himayin ang lahat ng bagay o mga kaganapan sa atin at mangyayari lang iyon kung tayo ay handa at bukas ang isipan sa mga bagong pananaw.
aaminin ko na ako mismo hindi ko nabigyan ng kasagutan ang aking mga katanungan, gustuhin ko man noon naisip ko bakit pa,e ako lang naman(di na ngayon) ang nag-iisip ng ganun,baka isipin ng tao baliw ako.

3. in Christ - February 26, 2010

anu daw..

4. bagongpananaw - February 26, 2010

para kay in Christ,

ano ang tanong mo??? umabot ka sa ganito kahabang pagbabasa… tapos ang komentaryo mo… ano daw…

Ikaw ang hindi ko maintindihan…

Si Isko pa din… bago na ang pananaw


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: