jump to navigation

About Fransisko Kiamko

Isang Katutubong Tagalog na namulat sa mga kabulastugang bunga ng halos kalahating siglo (at patuloy pang nadaragdagan sa pag-usad ng mga taon) ng pagka-alipin sa iba’t-ibang uri ng banyaga sa lupaing kung tawagin ay Pilipinas

Comments»

1. tomagulto - November 6, 2009

magandang araw po. at magandang araw talaga ang araw na ito na napadaan ako dito sa iyong blog, Bagong Pananaw.

Iniimbitahan ko rin po kayo na hagipin ang aking kuntrakrusada.wordpress.com, habang binabasa ko at sinusuri itong inyong Bagong Pananaw, dahil napakarami na pala ninyong nasulat na kailangan kong basahin. Na sa aking pakiramdam sa unang pagsilip ay marami talaga akong matututuhan.

marami pong salamat, umaasawa ako na lalawig ang ating pagkikilala.

tom agulto po ito,

2. Fransisko Kiamko - November 6, 2009

Magandang araw din po. G. Tom Agulto.

Hangad ko din po ang ating lubos na pagkikilala kahit sa virtual reality o blogsites man lamang… Sana nga po ay may mapulot kayong mga ideya sa aking BAGONG PANANAW… Umasa po kayo na isasama ko ang inyong blogsite sa aking blogroll… sisimulan ko na din po itong busisiin upang humalaw din ng mga kaaralan…

Maraming Salamat din po…
Fransisko Kiamko naman po

3. tomagulto - November 11, 2009

magandang araw po, maaari bang malaman ang inyong email address ang sa akin po ay tomagulto@yahoo.com,

inaasahan ko po paglawig ng ating komunikasyon.

salamat din po at ikinawing ninyo ang aking blog sa bagong pananaw, gayundin po ay ikinawing ko kayo sa kuntrakrusada. hihintayin ko po ang inyong email address

tom agulto

4. neil dalanon - November 12, 2009

ikinawing kita sa aking blog. Panalo ka!

5. bagongpananaw - November 12, 2009

Salamat po… Mas higit po sanang mainam kung PANALO TAYO!!!

isko ng bagong pananaw

6. bagongpananaw - November 12, 2009

G. tomagulto,

Narito po ang e-mail address ko… fransisko_kiamko@yahoo.com

Sana nga po ay lumawig at maging kapaki-pakinabang ang ating komunikasyon

isko ng bagong pananaw

7. jay - November 29, 2009

kung babaguhin ba ng mga pinoy ang paniniwala oh pananaw tungkol sa tungkol sa diyos magiging maunlad ba ang pilipinas??

8. jay - November 29, 2009

may mawawala ba kung ang tao ay maniniwala na my diyos oh maniwala sa nakalakihang paniniwala ng mga matatanda tungkol sa diyos…..

9. bagongpananaw - November 29, 2009

G. Jay,

Sa Katanungan mo: “kung babaguhin ba ng mga pinoy ang paniniwala… magiging maunlad ba ang pilipinas??”

Ang KAUNLARAN ay hindi minamadyik ginoo… dahil kaakibat nito ang wastong pananaw at pamamaraan. Sa pamamagitan ng wastong pananaw na nakabatay sa realidad na nakapaligid sa atin ay makalilikha tayo ng SARILI nating balangkas ng kaunlaran… hindi iyong nakabatay palagi sa mga banyaga… na siyang isang napakalaking BALAKID sa ating tunay na kaunlaran…

Tungkol naman sa balakid… ang diyos na “imported” pa din dahil ito ay galing sa Kanluran (subalit kung sisiyasatin ay sa Silangan ito nagsimula)… simula pa noong 1521 ay naging kasangkapan ang paniniwalang ito upang ang ating pamumuhay ay MABANSOT at hindi tunay na umunlad… sinabi kong nabansot sapagkat ang sariling atin, si BATHALA at si KABUNIAN ay hindi na yumabong at napalitan ng diyos ng KATOLISISMO…

ANG AKING KASAGUTAN: Magkakaroon tayo ng malaking probabilidad na umusbong ang tunay na kaunlaran, sapagkat walang kaunlaran na nakapundasyon sa maling paniniwala… UNAHIN NATING IWASTO ANG ATING MGA PANINIWALA at sigurado akong magkakaroon tayo ng wastong direksyon ng kaunlaran (hindi lamang sa mga materyal na bagay kundi mas higit sa mental, moral, at espirituwal na bagay kung sa dako pa roon ay makasusumpong tayo ng ating sariling diyos…)

SA IKALAWA mong katanungan:

Ang nakalakihan nating paniniwala sa diyos. katulad ng aking nauna nang nabanggit ay ipinilit lamang sa ating mga ninuno… At simula noon hanggang ngayon ay NAPAKALAKI NA ANG NAWALA SA ATIN…. Hindi ko sinasabing ang paniniwala sa diyos ay masama… nakatitik sa kasaysayan ng TAO ang pangangailangan sa ganitong kaisipan… naging bahagi ito ng ating kaunlaran… sa pinakamaliit ay bilang KONTROL sa moral… at sa pinakamalawak ay bilang batayan ng iba’t-ibang kultura.

Subalit ang manghiram ng isang PANINIWALA… ay pagkatapos ay ariin mo itong sa iyo… na mas masahol ka pa dun sa hiniraman mo…. ay sa aking palagay ay masama at napakalaki ang nawawala….

*** Sana ay napaglinaw ko ang iyong katanungan

Isko ng bagong pananaw

10. jay - November 30, 2009

magandang gabi po… sasabi po ba na ang pilipinas ay isa ng malayang bansa ngayon.. at kong wala ba ang ibang bansa makakaya ba ng pilipinas na maging maunlad……???

11. jay - November 30, 2009

hi good evening do you believe that typhoon ondoy is created by god?

12. krizia - November 30, 2009

hi…

13. krizia - November 30, 2009

paano nyo maipapaliwanag ang nangyari noong bagyong ondoy?maraming namatay…nanininwala ka ba na ang panginoon ang may plano non??

14. Abet Umil - November 30, 2009

May kapayapaan at karahasan ang kalikasan. Gaya ng bagyo, Ondoy at iba pang nagdaraan kada taon. Putok ng bulkang Pinatubo at Mayon. At bahagi ‘yan ng katotohanan. Kung likha ang mga ito ng Diyos, ang itinuturo ba nito sa tao ay suungin ang mga karahasang ito ng kalikasan? Ang basic instict ng tao ay sasagot ng hindi.

Payapa ang kalikasan kapag tag-lamig at tag-araw.

Pero ang buhay sa mundo ay mga panahon ng tagulan, taglamig-tag-araw. Sa iba ay mayroon pang niyebe–snow. Makakapamili ba ang tao ng panahon ng laging ligtas na pamumuhay?

‘Yan ang punto. Ganumpaman, may taning ang buhay ng tao. Mamamatay tayo sa average na idad 60-70 taon gulang.

Ano ang dugtong sa bugtong ng pagkabuhay natin sa bahaging ito ng solar system? Bawat indibidwal ay obligadong sagutin ‘yan. Maniwala man tayo sa Diyos o hindi, ‘yan ang buhay sa daigdig.

Kakabukas ko nga pala ng blog dito sa WordPress, Alayon sa Banger. Magpapaalam lang po kay Mr. Kiamco kung pwedeng i-link ang blog ninyong ito. Iimbitahin ko na rin kayong bumisita sa Alayon sa Banger.

Salamat po!

bagongpananaw - December 1, 2009

Ang Pilipinas ay kasamang binili ng Amerika mula sa Espanya noong 1898….

P a r i s
October 25, 1898

In the memorandum of their views telegraphed to Washington on October 25th, Messrs. Davis, Frye and Reid also say:

Public opinion in Europe, including that of Rome, expects us to retain the whole Philippine Islands.
The Government of the Unites States is unable to modify the proposal heretofore made for the cession of the entire archipelago of the Philippine Islands, but the American Commissioners are authorized to offer to Spain, in case the cession should be agreed to , the sum of $20,000,000.

http://filipino.biz.ph/history/treaty.html

Ngayon, ikaw ang sumagot G. Jay kung… sakali bang ikaw ay bibili ng isang bagay sa halagang $20,000,000 ay ipamimigay mo lamang ba ito?…

Sinasabing binigyan tayo ng mga Kano ng kalayaan noong 1946… Mayroon bang kalayaang ibinibigay o nire-recognize…

Lumaya tayo saglit noong panahon ng rebolusyon ng KKK 1986 hanggang 1901… subalit inagaw ito ng pagdating at pagsakop sa atin ng Amerikano…

Si Isko pa din po

15. jay - December 1, 2009

magadang gabi po.. kung ako naman po ang bibili ng ganung halaga sa isang bagay hindi ko un maibibigay oh mapapa kawalan ng basta basta..

16. jay - December 1, 2009

magandang gabi po…..

tanung ko lang po kung nakuhang lumaya ng pilipinas bakit naging panandalian lang bakit po nabili ba ulit ng kano ang pilipinas????

17. jay - December 1, 2009

magandang gabi po ulit
maitanong ko lang po ano po ba nais nyong mangyari sa pilipinas at dapat bang my baguhin oh palitan sa pilipinas ano ang mabisang paraan upang mapa unlad ang bansang pilipinas…???

18. jhade™ - December 2, 2009

ang mgandang gwin sa pilipinas ay……………………..

19. bagongpananaw - December 10, 2009

Kay Krizia,

Ang bagyong ondoy ay isang likas na pangyayari, katulad ng iba pang mga pwersa ng kalikasan… katulad halimbawa ng pagputok ng bulkan.

Tunay na maraming namatay, subalit hindi big sabihin nito ay kagagawan ng diyos. Sa aking pagkaka-alam ay mapagmahal ang diyos, lalo na’t diyos ng Kristiyano.

Sa iyo bang palagay ay pagmamahal ang lumipol ng daan-daang buhay ng tao sa pamamagitan ng bagyo?

Ang kamatayan ng ating mga kababayan ay hindi gawa ng diyos, kundi gawa ng mga gahamang nagpuputol ng mga puno at lumalapastangan sa ating kabundukan. Pansinin mo ang iniwang putik ng humupa na ang baha. Galing ba ito sa ulap (rain cloud)… o tinangay ng rumaragasang tubig galing ng bundok dahil wala ng ugat ng mga puno na humahawak sa kanila?

Si Isko pa din

20. bitoy - December 12, 2009

sa ganyang kaisipan. sa paano nyo po ba maipapaliwanag ang buahay na sumolpot?? ang buhay ang buhay ang buhay?? at ang LIKAS??

21. bagongpananaw - December 12, 2009

Ang buhay ay hindi sumusulpot na parang kabute bitoy.

Kung buhay ng tao ang sinasabi mo, bago sumilang ang isang sanggol ay nag-niniig (sex) muna ang dalawang tao, lalaki at babae kung saan ay dapat ma-fertilize ang kanyang egg cell o ovum ng sperm cell ng lalaki upang mabuo ang fetus. Siyam na buwang magbubuntis ang babae bago ipanganak ang isang sanggol.

Ngayon, kung ang ibig mong ipakahulugan ng kung papaano ipapaliwanag ang buhay na sumulpot ay nais mong bigyan ng daan ang kwento ng relihiyon (partikular ang Kristiayanismo) na ang buhay natin ay galing sa isang diyos, isa lamang ang masasabi ko sa iyo Bitoy, walang matibay na pundasyon at patunay saan mang larangan dalhin ang ganitong paniniwala. Sa bandang huli ay iaasa lamang ito sa PANANAMPALATAYA na para sa akin ay isang marupok na pundayon…

Kung halimbawa bang ikaw ay magpapatayo ng bahay… ang gagawin mo bang pundasyon ay kasing-rupok ng biskotso? Di ba dapat ay mas higit na matibay (yung iba nga ang ginagamit ay semento at bato…)

Mas kinikilingan ko ang paniniwala sa ebolusyon… Ikaw na ang magsaliksik… nandirito ang link.

http://www.allaboutscience.org/evolution-of-man.htm

Mas malapit kasi ito sa katotohanang kayang arukin ng ISIP ng tao.

Si Isko pa rin

22. john chris - December 23, 2009

magandang araw po
nais ko lng pong itanong kung my pagasa bp bang umunlad ang Pilipinas?
kung meron man sa anung paraan ang kaylangang gawin?

23. petra - January 13, 2010

Kung ang tao ay nangaling sa ebolusyon ng isang baktirya o kung anu paman dahil sa pgbabago bago ng panahon, bkt ang tao ngayon e hnd na ngbabago? dapat cguro mga allien na ang hitsura ng mga tao ngayon.. kasi bawat pgdaan ng panahon may pgbabagong nagaganap sa ating kapligiran dahil sa kagagawan ng tao pwedng klima at kung anu anu pa, pero ang likas hnd nababago…….Ang naturalesa ng tao pg ipinanganak ay sangol, hind ungoy…………Ang naturalesa ng hayop pg ipinanganak hayop padn,, ang naturalesa ng APES pg ipinanganak APES dn…

bagongpananaw - January 13, 2010

Petra,

Tunay na pagbabago ang batayan ng ebolusyon… at patuloy na nagaganap ang ebolusyon sa ating paligid iha… Tunay lamang na matagal ang proseso nito at hindi kagyat na napapansin tulad ng nais mong asahan…
Ang panahon ng dinosaurs ay itinataya ng mga arkiyologo na naganap hindi bababa sa 15 milyong taon na ang nakalipas… ganoon din ang unang panahon ng yelo (ice age)… ang ebolusyong naganap mula sa panahon ng bato (stone age) ay daan libong taon din kundi man milyon ang naging ebolusyon bago tuluyang umabot sa edad ng pyudalismo (dumaan pa ito sa edad ng bronsa at metal)…
Mula sa sinaunang taong kawangis mismo ng mga sinasabi mong APES ay nag-ebolb tayo sa kasalukuyan natin itsura.
Ang kasalukuyan natin estado ay nag-e-ebolb na din… (paunti-unti nga lang, halos hindi napapansin)
Ang pagtatakda na dapat ay siguro ay alien na tayo ay mukhang malayo sa katotohanan at susunod nating ebolusyon. Kasi kung nagmamatyag ka sa kaunlaran o pagbabago (ebolusyon) ng tao narito ang malinaw na pwede mong subaybayan…. Una, hindi mo ba napapansin na marami-rami na ding mga bahagi, organ o piyesa ng tao ang pwede ng palitan ng mga synthetic o maging bakal at electronics na bahagi… pacemakers, metal skulls, bionic arms & legs, synthetic intestines… etc., etc.,
Sa aking pakiwari at obserbasyon ay hindi alien ang ating susunod na ebolusyon kundi cyborg, yun bang TAO na may mga bahaging Metal, Plastik, electronics… Nadinig mo na ba ang Artificial Intelligence???
Imulat mo lang ang iyong mata at isip sa mga paunti-unting pagbabago…. Naisip ko pa… meron na ding mga artificially inseminated at test tube babies…. Mukhang ito kaya ang ating ebolusyon bilang tao!!!!!!!
Sa bahagi naman ng sinabi mong ANG LIKAS HINDI NAGBABAGO….. Nais kong iwasto ang pananaw mo dito iha… Narito ang BAGONG PANANAW….. ANG LIKAS AY PAGBABAGO!!!! Walang bagay na hindi umuusad… sabi nga sa wikang ingles… The only reality that is CONSTANT is CHANGE…. seems paradoxical, di ba. Pero ganito ang ating kalikasan (likas) pagbabago ang tunay na nagaganap. Kahit ang isang bagay na akala mo ang hindi umuusad o nagbabago ay mayroong pinakamaliit na chemical change na nagaganap….
Maraming salamat sa pamukaw na komentaryo sa taong ito ng tigre (ayon sa kalendaryong intsik…)

Si Fransisko Kiamko pa din…
walang nabago kundi pananaw

24. petra - January 13, 2010

Ibig sabihin lahat pwed mgbago? ang likas ay ngbabago? ang alam ko kc hnd laht pwedng mgbago,,, halimbawa ang mga binhi ng puno sa lupa,ang halaman etc.., ang sili pwedng pglipas ng panahon hnd na maanghang? ang sampalok hnd na maasim? kung hnd pakikialaman ng tao by nature yan kahit lumipas pa ang daang taon hnd mababago kung anu man ang kalalagayan nya,,mananatili sya maanghang o matamis o maasim man…

25. bagongpananaw - January 13, 2010

Ang ibig sabihin iha…. hindi lang pwede kundi talagang ang pagbabago ang likas para sa lahat ng bagay. Walang nananatiling hindi nagbabago. Ang buto ng sili pag itinanim mo ay nagiging sibol na tanim hanggang sa mamunga. Tunay na sili pa din ang tawag pero yung buto ay dumataan sa pagbabagong kung tawagin ay germinating of seeds… kaya yung original na buto ay hindi na siya yung susulpot na buto sa bunga ng sili….

At isa pa… ang pakiki-alam ng tao, mabuti man o masama ang epekto ay bahagi din ng ebolusyon. Ito ay sapagkat bahagi tayo ng kalikasan…

Mas mainam siguro kung linawin natin ang pakahulugan sa PAGBABAGO at EBOLUSYON… Ang ibig mo bang ipakahulugan sa pagbabago ay ang kagyat na pagpapalit anyo o karakter o panlasa….

Ang pakahulugan ko ng pagbabago ay ang malawak pag-usad at pagkilos ng ating realidad… patuloy na umuusad ang oras at/o panahon, ang mga bagay-bagay ay patuloy na naluluma (mula bago), may tinatawag na pisikal, kemikal, sustansyal, mental at sikolohikal na pagbabago… Lahat ay kumikilos tungo sa isang nabagong anyo sigon o ayon sa patuloy na pag-usad ng panahon… Walang nananatiling bata o sanggol… walang nananatiling bago, lahat ay naluluma… Ito ang tinatawag kong pagbabago. Maging ang buto ng siling sabi mo ay hindi nagbago… nagbago ito batay sa takbo ng panahon… mula sa bago pa lang itong himay sa bunga ng sili, patungo o pausad ng ilang segundo sa pagiging buto ng sili… naluma na ito at may kemikal na pagbabago ng naganap…..

Maging ang sinasabi mong maanghang o matamis o maasim…. hindi rin ito constant ( o yung sinasabi mong hindi lahat pwedeng magbago)… May antas ng anghang, tamis o asim… at ang antas na ito ay nananatiling nababago. Patunay nito ang pagtikim natin sa nilulutong ulam upang tantiyahin ang lasa….

Marapat siguro sa punto na ito na humiling ako sa iyo ng isang bagay na sa iyong palagay at kaalaman ay hindi pwedeng magbago….

Magandang araw Petra,
Si isko pa din ng bagong pananaw

26. petra - January 15, 2010

tama po yan, ang isang binhi pg natanim sa lupa my pgbabagong nagaganap, hangang sa lumaki at magbinhi ng panibago, pero yung binhi nya mananatiling kauri parin nya, hindi pweding ang binhi ng sitaw sa pglipas ng panahon magiging binhi na ng talong….. ganun dn ang tao sa aking palagay kahit sa ngayon pwedng kabitan ng bakal ang katawan ng tao, pg ipinanganak parin ang isang sangol tao padin sya walang bakal sa katawan…. daang libong taon nadin ang nakalipas pero ang binhi nuon maging hayop, puno, halaman at tao mananatili padn ganun ang kalagayan nila simula binhi hangang sa maging ganap na kung anu paman sila….. kahit ang tao man e pwedng kabitan ng bakal sa katawan hind ibig sabihin pg ipinanganak ang sangol my bakal na sa katawan… ganun dn ang nga isda sa dagat kung pwedng pg lipas pla ng panahon eh ipanganak ang isda e my bakal na sakatawan, baka naman kalawangin un kc nsa tubig sila..hehehe…. ty po…

27. petra - January 15, 2010

para po sakin ang isang bagay na sa aking palagay e hnd pwedng mgbago, ung hangin po kahit lumipas man ang daang taon hnd sya pwedng maging cyborg o magka bakal man.. kaya nyang magpalipad ng cyborg saka bakal pg my bagyo.. hehe..

bagongpananaw - January 15, 2010

Para sa iyo Petra at sa iba pang sumusubaybay,

Tumpak ka sa pagsasabing ang binhi ay kauri pa rin ng pinagbinhian… pero nais ko na huwag tayong lumabas sa argumento. Ang malinaw na linya ng argumento ay kung lahat ng bagay ay tunay na nagbabago… Ang pagiging magka-uri ng dalawang bagay ay hindi patunay na walang pagbabago, bagkus ito ay patunay na nagkaroon ng pagbabago: “mula sa naunang binhi ay nagkaroon ng pagbabago dahil sumulpot ang bagong binhi; mula sa isa ay naging dalawa o mahigit pa…”
Sa iyo bang palagay ay hindi pagbabago ito? Ang hinihiling o sinasabi mong pagbabago ng binhi ng sitaw na magiging binhi ng talong ay malayo na sa katotohanan iha… at HINDI GANITO ang pagbabagong aking sinasabi, kundi ang pagbabago na kahit mabagal ay siguradong nangyayari, ito man ay kemikal substansyal, sikolohikal, maging generic…
Ang pagpapalit ng bahagi ng tao ng iba’t-ibang synthetic na materyal ay hindi nangangahulugan na ipapanganak siyang mayroon na nga nito. Katulad ng sinasabi mong bakal. Hindi rin ganoong kakagyat o kabilis ang pagbabago. Ang akin lamang iminumungkahi ay ang paunti-unting pag-eksperimento ng tao sa pamamagitan ng siyensya na ISANG TAHASANG PAGBABAGO. HUWAG masyadong LITERAL ang pag-gagap mo sa aking mga sinasabi…
Medyo bababawan ko ang aking halimbawa… Dati-rati ang mga Pilipino ay sinasabing pango ang ilong… subalit sa pamamagitan ng inter-racial na pag-niniig ay nagsusulputan ngayon ang mga mestiso at mestisa na matatangos na ang ilong. Kung dati-rati ay matingkad na kayumanggi ang kulay ng balat ay nagiging mapusyaw na… kung dati ay hindi halos umabot sa limang talampakan ngayon ay anim na talampakan na o higit pa….
Ito ay ebolusyon… ang hindi mapipigilang daloy ng ating kalikasan… Maging ano pa man ang paniniwala mo, o paniniwala ko patuloy itong gagana at uusad….
Kung dati-rati ay tinatawag tayong indio, walang alam, ignoramus at mangmang…. ngayon ay gumagamit tayo nitong teknolohiyang ito na malinaw na resulta ng ebolusyon ng isip ng tao…
Iba’t-ibang anyo ang ebolusyon iha… Huwag kang mainip at/o mabahala, magkaroon lamang ako ng sapat na panahon ay lilinawin ko itong lahat sa pamamagitan ng isang artikulo. Tunay lamang na napakadaming trabaho ngayon kaya isinisingit-singit ko lang ang pagsagot sa mga komentaryo ninyo.
Maging ang ibang artikulo na naipaskil ko na dito ay aking ipagpapatuloy…. In due time… In due time….

Si Isko pa din ng Bagong Pananaw

bagongpananaw - January 15, 2010

Ang hangin iha ay nagbabago din. Ang komposisyon ng hangin na ating nilalanghap ay oxygen, at carbon dioxide naman ang ating ibinubuga na siya namang kailangan ng mga halaman. Dito pa lang ay nagpakita na ng pagbabagp ang hangin mula sa oxygen patungo ng carbon dioxide.
Dati ang hangin ay dalisay, ngayon ito ay punong-puno na ng mga “pollutants” o nakasasamang komposisyon katulad ng sulfur dioxide, lead o tingga, nitrogen oxides, carbon monoxide (ilan lamang sa mga nakasasama) na ibinubuga ng mga pabrika. Kaya nga ba’t batay sa komposisyon ng hangin mauuri natin ito kung dalisay ba o nakasasama. Ngayon hindi ba pagbabagong matatawag ito? Ang ebolusyon ng hangin mula dalisay patungong nakamamatay….
At sa palagay ko iha ay wala akong sinabi na ang hangin ay pwedeng maging cyborg…

Sa aking medyo mahaba-haba na din namang pagsasaliksik ay natuklasan ko iha na mayroon lamang dalawang uri ng PAGTATANONG…
Ang una ay ang uri ng pagtatanong na tunay na humahanap ng kalinawan at kasagutan na handang tumanggap ng katotohanan batay sa linaw ng mga na-o-obserbahang bagay. Pagtatanong ito ng isang bukas ang isip at tunay na sistematikong nagsasaliksik ng katotohanan.
Ang ikalawang uri ay yaong nagtatanong upang sukatin lamang ang kakayahang sumagot ng tinatanong at hindi upang tumalastas ng kaliwanagan sa mga kasagutan. Ito ang pamamaraan ng isang sarado ay isip na ang ibig lamang ay ang mambara o sumagka at makipag-paligsahan lamang tulad sa isang debate.

Sa iyong palagay iha, alin sa dalawa ang mapag-paunlad, ang una o ang ikalawa?

Si Isko pa din ng Bagong Pananaw

28. petra - January 16, 2010

Tama po yan,kahit kelan hind pwedng maging talong ang binhi ng sitaw,, hindi po ba masasabi natin na ang binhi ng tao e mananatili sa kalagayan na tao? di hamak naman na magkaiba ang binhi ng tao sa binhi ng Ape, at sa akin paniniwala ang pagkakaiba iba ng hitsura ng tao ay bumabatay sa kapaligiran na nakapalibot sa kanya, pwdng dahil sa pagkain etc.. o kung minsan ay nalalahian ng ibang hitsura ng tao padin…..

29. petra - January 16, 2010

Para po sakin parehong mapag paunlad ng kaisipan un, dahil ang mga bagay bagay kailangan natin suriin..at ang pgbabangaan ng mga bagay bagay at natural para lumabas ang isang katotohanan. katulad ng isang building kailangan mag bangaan ang mga bagay na bato, semento etc. para maging isang katotothanan na building…

30. kenjh - January 16, 2010

hello

31. bagongpananaw - January 17, 2010

Para kay Petra,

Medyo lumalalim na tayo sa pagtatalakayan at nagsisimula na akong maligaw sa nais tumbukin ng iyong mga argumento…
Nais ko lamang sanang linawin kung ano ang iyong tunay na thesis o argumento upang maglinaw sa akin kung papaano kita sasagutin at pagpapaliwanagan…
Para sa iyo ba ay malayo sa katotohanan ang EBOLUSYON? Kung malayo, ano ang itinuturing mong KATOTOHANAN, at bakit mo ito itinuting na katotohanan?

Si isko pa din ng BagongPananaw

32. Andress Penitente - March 7, 2010

Pa singit lang po.
Simple lang ang ebolusyon. Ang isang magandang halimbawa nito ay ang ipis.

Sa ipis pag nag “spray” tayo maraming mamamatay pero may ilang mabubuhay at makakatakas dahil may natural silang pananggalang sa lason. Itong mga nakatakas na ito ay mapaparami at pag dumami na at nag”spray” ka ulit konti na lang ang tatablan. Sa halimbawang ito ipis pa rin ang tawag sa ipis dahil hindi nagbago ang panlabas itsura nila.

Pero ganito rin ang konsepto ng ebolusyon. Kaya nga ang isa pang tawag dito ay “Natural Selection”. Lahat ay sinasala ng kalikasan. Ang hindi makakatagal ay mawawala. Ang matatag ay mananatili. Pero gaya nga ng sabi ni isko napakabagal ng proseso.

33. Andress Penitente - March 7, 2010

At dahil sa pagsasalang ito madaming nagbabago. Pisikal man o kemikal. Napakadaming nagbabago. Kayat kung paghahambingin tayo at ang mga modernong “ape” ngayon kahit na magkaibang magkaiba ng itsura ay parehong pareho ang “getetic make-up”. Hindi pa ba ito patunay na tayo’y nagmula sa iisang lahi?

34. Andress Penitente - March 7, 2010

***genetic

bagongpananaw - March 8, 2010

Maraming salamat po sa inyo G. Andres Penitente… Napakalinaw po ng inyong pagkatalakay sa konsepto ng “natural selection” bilang isang malinaw na batayan ng ebolusyon… Mahaba-haba pa po ang ating lalakbayin sa PAGBUO NG ISANG MORALIDAD NA NAKABATAY SA WASTONG PAGTANAW SA SARILI AT SA PAKIKIPAG-RELASYON SA KAPALIGIRAN… Mabuhay po tayo!!!

35. Andress Penitente - March 8, 2010

“PAGBUO NG ISANG MORALIDAD NA NAKABATAY SA WASTONG PAGTANAW SA SARILI AT SA PAKIKIPAG-RELASYON SA KAPALIGIRAN”

Mahabang mahaba pang tatahakin natin para dito. Pero ito ang nasisiguro ko. Ang kalikasan ay hinding hindi natin masisira. Mababago lamang natin ito hanggang sa punto na tayo mismo ang hindi na makakatagal sa mga pagbabagong tayo ang naging dahilan. Maaaring maubos ang lahi ng tao pero ang kalikasan ay mananatili. May mga bagong buhay na sisibol. Ito yung mga buhay na kinayang tumagal sa polusyon at pagsirang dinulot natin.

Ituloy mo lang ang ginagawa mo Isko. Abutin mong lahat ng maaabot. Kaalama’y kailangang maikalat dahil gaano man ito kaganda kung kaunti naman ang nakikinabang wala ring silbi.

Mabuhay ka! Mabuhay tayo! Maraming salamat sa pagsusulat! Maraming salamat.

36. tata islaw - April 23, 2010

ano ba ang pinakamagandang paraan para simulan ko sa sarili ang pag-unlad

37. Andres Penitente - May 7, 2010

Kilalanin at unawain mo muna yung SARILI mo na gusto mong paunlarin. Pag sinimulan mo nang alamin kung sino ka, yung na rin ang simula ng iyong pagpapaunlad sa sarili.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: